XXXVIII

109 2 0
                                    

It's been weeks since my last meeting with Drew. We still texted pero hindi na pinapahabaan. Like hi hello lang, trying to lessen the awkwardness and making new friendship between us. But that was last week, we never communicated since then and I understand him. Kasi kapag pinatuloy ko pang kausapin siya, mas mahihirapan siya.

I am driving my car papuntang Batangas. Kasi naman sabi ni Mama namimiss na daw niya ako, himala nga at biglang naging vocal kasi once in a blue moon lang yan si Mama kaya naman ay umuwi ako ng Saturday.

3 pm ay umalis na ako sa unit. I am driving my car at umabot ng apat na oras ang biyahe sa sobrang traffic. Nag drive thru nga lang ako sa Mcdo para makakain kasi nagugutom ako sa sobrang tagal ng usad .

Pagkaliko ko ay kita ko na ang bahay pero nakakapagtakang walang ilaw na nakabukas. Mukhang ginoodtime pa ata ako kasi mukhang walang tao. I tried to make a sound with my car baka sakaling nag-off lang ng ilaw kasi nag ala-Earth Hour pero wala talaga.

Bumaba ako sa sasakyan ko and tried to call mama's number but to no avail, walang sumagot. Kingina, kinakabahan ako.

I walked towards our gate at sasandal sana pero bigla nalang akong napasigaw kasi muntik pa akong matumba.

"Putek!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib

Bukas ang gate. Bukas ang gate?! Napatampal ako sa ulo ko at napapalukso-lukso. Pumasok ulit ako sa kotse at hinayaan na nakabukas ang gate.  I even locked my car kasi natakot ako.

I tried to call again my parent's number pero hindi pa din sila sumasagot. It's 7 pm na at madilim na din, sinamahan pa ng ilaw ng poste sa di kalayuan na nag-oon-off. I called Faye at buti nalang ay sinagot niya.

"Hello, Ina?" sagot niya

Naririnig ko pa ang background noise na tila ba mga kaluskos pero pinabayaan ko lang iyon.

Lumabas ako ng kotse at sinilip ang loob ng bakuran namin. I pushed our gate para mas malawak ang pagkakabukas nito at kung sakali man ay agad akong makalabas.

"Faye, i entered the gate. Sobrang dilim ng bahay namin and bukas ang gate, walang tao. Faye, may masamang kutob ako dito." I told her

May narinig akong mahinang tawa galing kay Faye pagkatapos ay narinig ko din siyang sumagot, "Hoy gaga ka, bakit hindi ka tumawag ng police? Huwag kang pumasok diyan at umuwi ka sa unit mo at matulog. I think you really-" wika niya pero hindi nya natapos dahil bigla iyong naputol.

I tried to call her again pero hindi na sinasagot. Busy siguro....

Malayo na ako sa gate at wala din naman akong planong pumasok ng bahay. I walked towards our garden kasi makikita ko naman doon ang kwarto nila Mama at Papa at ang pintuan papuntang kusina. Pagkaliko ko ay bumungad sa akin ang patay na ilaw ng kwarto at tahimik na garden ni hindi nga ako makakita sa dinadaanan sa sobrang dilim.

"Our Father, who art in heaven..." i murmured

Lumalakas na lalo ang tibok ng puso ko, that I even hurriedly turned my phone silent habang humahakbang pabalik sa gate.

I was walking backwards ng may matamaan ako sa likod. It was hard and I could feel my blood rushing to my face.

"Hel-" rinig kong wika nito pero hindi ko na marinig pa ang sinasabi nito kasi sumigaw na ako.

I shouted while my eyes closed and the next thing I did was slapped the owner of the voice with my phone and I could even heard a loud bang dahil sa impact na iyon.

"Z... Z.. calm down.." rinig ko sa gitna ng pagsigaw ko

When I opened my eyes ay nakabukas na din ang lahat ng ilaw sa bahay. I could see mama, papa, even Kai and Faye na nakatayo at hindi gaanong malayo sa akin. I slowly turned my head towards the person at nakita kong si Al iyon, he was consoling me while his other hand was holding his cheeks.

"Oh my God!" I exclaimed

His left cheek were in red, at alam kong di lalagpas ng ilang minuto ay magcocolor blue iyon.

"Ang sakit mong manapak" rinig kong wika niya

"What are you doing? Why are you all here?" tanong ko habang tinatry na itago ang pagkahiya dahil sa ginawa at natataranta sa kung anong gawin sa cheeks niya

"Hindi ko alam kung saan ako matatawa Ina, sa sigaw mong abot hanggang Cebu o sa pagkakasapak mo sa kaniya. Sabi ko saiyo eh, na hindi ito good plan." tawang wika ni Faye na hinihila na ngayon ni Kai papalayo

My father was smiling while mama, she looked shocked by what I did. Alam niyo namang nanakit ako kapag natatakot. Huhu.

"I'm sorry, I scared you, Z."

Siya pa ang nagsorry kahit siya naman ang nasaktan. Napangiwi ako ng makitang unti-unting nagdadarken ang cheeks niya, magkakapasa nga.

I was about to say something but my eyes were glued to the thing Al is holding.    I looked at him and he was smiling but I could feel na nininerbiyos siya.

"Al..." i whispered his name

"Z.."

I could not count how many times I blink. My heart is pounding and my hands slowly trembled. Kinakabahan ako at the same time hindi ko din mawari kung ano pa tong ibang nararamdaman ko.

He is holding a bouquet of flowers. I could feel that there is something more than this. Al smiled at me and gave me the boquet of flowers - of red roses. He slowly stepped towards me, shortening our distance and then he held my other hand as he took out something from his pocket.

"Z.." he said

"I like you since we were kids, but I don't know when I started having this deeper feelings for you. I fell in love with you. Z, I know this is too sudden, but will you let me court you?" he continued

I know there are a lot of people here with us but the moment he asked me, I felt like it was just us two. Sa sobrang lapit nga naman, kinakabahan ako kasi baka marinig nya ang tibok ng puso ko. I bit my lips trying to suppress my tears because I love him, too.

I smiled and slowly looked at him. His eyes were looking at me, waiting for answers. His hand holding mine was trembling, too. He is nervous kaya hindi ko maiwasang matawa kaunti. He is always pa cool when he is infront of me kaya naman hindi ko maiwasang maamuse na makita siyang ninenerbyos.

"Al..."

"Hmm?" tanong niya

"You can court me." I answered directly

He looked at me with wide eyes and seconds later, he shouted, "Yes! God! Thank you, Z." he said and hugged me tight. Mabilis ko pang nailayo ang boquet kasi baka mapisa kaya naman nakayakap siya sa akin habang ang isa kong kamay ay nakaextend.

"Putek na sigaw yan, akala mo naman naging girlfriend na." rinig kong wika ni Faye na agad naman nabatukan ni Kai

"Aray! Nagsasabi lang naman ako ng totoo.. Tita oh, sinasaktan ako." wika ni Faye na agad naman nagsumbong kay Mama

"Kontrabida talaga yang babae na iyan. Kanina pa ako ginagago, kung hindi ko pa naagaw ang phone kanina ay siguradong nakauwi ka na ngayon sa unit mo." rinig kong wika ni Al habang nilalabas ang bracelet sa box. It has a moon pendant and stars, I like it.

"Thank you, Z. Promise, you will never regret letting me court you." dagdag nya at niyakap ako uli

"Hoy! Baka mag-uumaga nalang, niyayakap mo pa din yang kaibigan ko. Hindi ka na nahiya sa baho mo." sambit ni Faye

Ngumiti sa akin si Al bago nagpaalam, "Wait lang Z, sasapakin ko lang. Kanina pa nangangati tong kamay ko sa gigil ko diyan."

Pagkarinig ko sa sinabi nya ay hindi ko maiwasang matawa. Kahit noon pa, ayaw na nila sa isa't-isa. Kaya ngayon naman, pilit silang pinaghihiwalay ni Kai n mukhang siya pa ata ang nakakareceive ng sapak at hila ng buhok galing kina Al at Faye.

"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Kai

Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon