XXVI

125 4 0
                                    


I tapped my pen several times sa lamesa habang nag-iisip sa magiging sagot ko sa exam. Tanging tunog lang ng G-tech ko ang maririnig mo sa room dahil lahat kami ay tahimik at seryoso sa pagsasagot sa finals namin.

Lahat din kami puyat dahil nag group study pa kami kagabi at late na din umuwi dahil last exam na din namin to kay binuhos na lahat.

Our professor is not in the room, ewan lang kung nasaan iyon, pero parati naman yun wala at umaalis kapag nag-eexam kami. Wala din naman kasing komokopya dito lalo na kung major exam at isa pa, gagraduate na din kami kaya dapat kahit dito sa finals ay good student kami.

Tapos na din akong magsagot sa lahat ng items kaya lang ayaw kong ako ang unang magpass doon sa harap. Kasi last time na una akong nagpass ay nagpalakpakan silang lahat. Mga gago!

Kaya naman naghihintay nalang ako kay George na mauna bago ako sumunod. Alam kong kanina pa yun tapos pero nagrerecheck pa ulit iyan. Parating piniperfect ang exam. Salute to you, babe! Kung lalaking tunay ka lang sana eh hindi sana ako nasaktan ng bongga.

Pagkadaan ni George sa gilid ko ay narinig ko pa siya, "Pass na gurl, kanina ka pa tapos" ani niya na ikinangisi ko

Kaya naman ay tumayo ako dala ang bag at nagpass na din sa answer sheet.

Pagkalabas ko ay naghihintay si George sa akin. "Ahhhhh!" we silently screamed habang tumatalon kaming pareho

"Omg! Omg! Omg! gagraduate na tayoooo!" mahinang sigaw din sa amin ni Angela na kakalabas lang din

"Sheyt! Yung braincells ko pero tae last exam na yun. Wala na, walwal na to!" ani ni Peter sabay akbay kay Ange

Malaki ang ngisi naming bumaba sa building. Maraming tumitingin din sa amin na mga studyante dahil bigla-bigla nalang kasi kaming tumatalon tas sabayan pa ng sigaw. For years na nag-aaral, at last ay gagraduate na din kami. Maraming nangyari sa buong buhay ko pero ito, ito ang isa sa mga masasayang araw.

By next week ay mag-aasikaso na din kami sa mga papers namin. Kaya naman bukad ay uuwi ako sa Batangas para bisitahin sina Papa at Mama.

Nasa labasan na kami sa gate dahil kakain sana kami sa Jobee ng nagvibrate ang phone ko. I took it out of my pocket at tiningnan kung sino ang tumawag.

OGAG calling...

Deny            |           Accept

Hindi ko alam kung saan ang pipindutin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napangisi ako ng maalala noon kapag tumatawag siya ay hindi ko agad sinasagot dahil ayaw kong isipin nya na atat na atat ako na marinig ang boses niya.

"Tara na?" tanong sa akin ni Peter


Ngumiti ako sa kaniya at tumango kasabay noon ay ang desisyong hindi tanggapin ang tawag ni Drew. Kahit ngayon lang, hindi ko muna susundin ang puso ko. Kahit gusto ay huwag muna. Ayaw ko ulit marinig ang mga pangloloko niya.

I already told myself last year na huwag but in the end, i opened my heart for him. Despite the doubts na feeling ko sasaktan pa niya ako, I still fell for him.



















Frustratedly, I shouted while looking at the sea. Damn! Being grade-conscious is really a shit. I was heartbroken after I receive a low grade in my minor.

"Let it all out, Z" wika ni Drew habang tinatapik ako sa likod

"Dang! That shitty professor, akala mo naman kung marunong magdiscuss eh lahat naman binabasa sa libro niya. Tapos kung nagpopoweropoint naman kami ay parati nyang pinuputakti na dapat concise daw pero kung siya naman gumagawa ng ppt kulang nila gumawa ng libro dahil sa dami ng words, sa one slide pa yan ha! Oh damn! Ang dami kong gustong sabihin pero bwisit talaga." iritang-irita ako, pero hindi lang naman ako, lahat kami


Midst of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon