Naglalakad ako ngayon kasama ang blockmates ko papalabas ng school. We all have these kind of aura na malalaman mong drain ang energy namin. Well, it's not new to us.
Tulog? Ano yan? Chour!
"Gusto ko tuloy magpaspa this weekend. Sinong sasama?" tanong sa amin ni Claudia habang nakatingin sa mukha nya gamit ang camera ng phone
"I wanted to pero hindi siya kasali sa budget ko kaya wag muna." sagot ni Hilda
"Not my priority" maikling sagot ko
Umismid si Claudia sa naging sagot namin. "As if naman talaga na sasama kayo. Kay kukuripot niyo talaga."
Natawa kami sa naging sagot nya na agad naman dinugtungan ni Peter, "Kung foodtrip sana inaya mo edi sana sasama kami"
Nasa may gate na kami ng biglang tumigil si Claudia at dahil nakasunod kami sa kaniya ay napatigil din kaming lahat sa likod.
"Ano ba yan Claud? Di ka ba makamove-on sa spa mo?" tanong ni George sa kaniya na ikinatawa namin
"Na-a-ah. I think alam ko na kung bakit ayaw sumama sa atin ni Ina minsan. May iba ng nakadagdag sa everyday priorities niya." ngising wika ni Claudia sa akin ng lumingon siya sa gawi ko
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I think it's another way of her to drag me with her in her weekend spa pero hindi ako magpapadala diyan.
All my college life ay home at school lang ako. I'm not informed na may dumagdag na pala. Lol.
"I think you are right, Claud. May dumagdag na nga." ani ni George
I was about to ask about it ng nakita kong ngumuso si Jacob sa harapan namin kung kaya't napatingin ako sa harapan.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. What is he doing here?
"Hindi pala taga UST ang makakagiba sa daily priority ni Ina." ani ni Matty
"Yan ba yung jowa ni Ina na tinatago nya sa atin?" tanong ni Hilda kay George na ngumisi lang
"Haba ng hair. Anong shampoo mo gurl? Pakilala mo ko sa mga friends nyan ha" bulong sa akin ni Angela
Umismid ako at umiling, "He's not here to see me. Tumigil nga kayo kakatitig diyan at baka mas lalong lumaki ang ulo. Hindi naman yan gwapo." wika ko at naunang naglakad
"Ehem. LQ kayo beh?" tanong ni George na agad sumunod sa akin
Naramdaman kong nagtutulukan sila sa likod at ang nangunguna doon ay si Claudia na hindi pa matigil-tigil ang pagsambit sa pangalan ni Drew.
"Kay gwapo talaga. Nagfollow pa ako niyan sa Insta pero hindi nagfollow back."
"Ako din. Panis na yung follow back ko doon." sagot din ni George na katabi ko lang
Lalagpas na sana kami sa kaniya ng bigla nya akong tinawag. Napapikit pa ako dahil sobrang lakas ng tinig nya na ikinatigil din ng ibang studyante.
"Z!" sigaw nya
Hindi talaga marunong mahiya ang lalaking ito. Tsk. Gustong-gusto pa talaga na tinitingnan siya.
Tumingin ako sa kaniya letting me eyes talk to him. "What now?!"
Ngumiti lang siya sa akin na ikinatili ng mga kaibigan kong babae. Tae, parang ngiti lang? Eh kung si Lee Min Ho pa yan ay titili talaga ako pero hindi.
"Lapitan mo na." wika ni George sabay tulak sa akin papalapit kay Drew
I looked at them trying to telepathy through my eyes. Did you just push me? Yah!
BINABASA MO ANG
Midst of Chaos
Roman pour Adolescents"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"