KABANATA 7

6.4K 121 1
                                    

Enjoy Reading!


Pagkatapos ng reception ng kasal namin ay agad kaming umuwi as bahay na para saaming dalawa. Tahimik lang ako habang nasa byahe, while Nimbus is busy driving.

Nang dumating na kami sa bahay ay napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse.

Malaki ang buong bahay na may dalawang palapag, napatingin ako sa pwesto ni Nimbus nang marinig ko na bumukas ang pinto.

Walang lingon-lingon itong pumasok sa loob. Maybe he's tired.

Nang makapasok ako sa bahay ay namangha ako dahil sa ganda ng loob, may mga picture na din noong bata pa ako at si Nimbus. Maybe it's my moms idea.

Nawala ang paglibot ko sa buong sala nang makita ko si Nimbus na kalalabas lang ng sa tingin ko ay kusina.

"W-where's our r-room? " kumuha pa ako ng lakas bago ko iyon masabi.

He looked at me with confusion in his eyes. Tumaas din ang isa nitong kilay.

"Do you think we will have the same bed? " nakangising sabi nito.

I gulped.

"W-well, we're married " awkward na sabi ko.

He scoffed and then looked at me with disgust.

"We are only married in paper but we will not be on the same bed. Maraming guest room doon ka matulog " sabi nito bago ako talikudan at umakyat as hagdan.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang gustong tumulo mula sa aking mga mata.

He's just tired, Deiva. Pagkakausap ko sa sarili ko.

Umakyat na din ako sa kwarto ko na napili, malaki ito at may sariling walk in closet, may sarili ding banyo at may vanity mirror, mayroon ding side table sa tabi ng kama at may coach said gilid malapit as glass window.

Napaupo ako sa edge ng kama.

This is just going to start so I need to prepare myself.

Naligo muna ako bago ko maisipang mahiga sa kama nang makatanggap ako ng text message mula Kay Lyons.

Lyons: Enjoy you're honeymoon.

Hindi na ako nag reply dahil mukhang walang honeymoon na magaganap as pagitan namin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil gusto naisipan kong magluto ng almsual naming ni Nimbus. Ginawa ko muna ang morning routine ko bago bumaba.

"G-good morning po" bati ko sa isang matandang babae na mukhang nasa mid-40. Ngumiti naman ito saakin.

"Good morning...Ako nga pala si manang Celya, ako yung pinadala ng magulang ni Nimbus para maging katulong nyo." Nakangiting sabi nito habang nagluluto.

"Tulungan ko na po kayo." Ngumit ito saakin kaya tumabi ako sakanya habang nag gigiris ng ingredients para sa fried rice.

"Manang, I'm going" napatingin ako kay Nimbus nang sabihin nya iyon.

Habang si manang Celya naman ay nakatingin sakanya.

"Bakit ka saakin nag papaalam e andito ang asawa mo." Sagot naman ni manang.

Hindi pa din ako sanay na tawagin na asawa ni Nimbus.

"M-may flight k aba ngayon?" tanong ko

"Yeah" maikling sagot nya
Napatingin ako kay Nimbus dahil doon, and I saw him looking at me. Wala pa din akong mabasa sa mukha nya.

I smiled at him but he only nod at me and walk away. Napatingin ako sa paa ko dahil sa tingin ko ay ayawa pa din talaga ni Nimbus saakin or sa kasal naming.

"Kumain ka na." napa-angat ako ng tingin nang sabihin iyon ni manang. I smiled at her.

Niyaya ko na din sya na sumabay saakin. Habang kumakain ay biglang tumunog ang phone ko kaya agad koi tong sinagot.

"Hello"

"Bukas na ang screening nung clothing line, pwede k aba?" tanong ni Chelsey sa kabilang linya.

"Uhm, oo naman." Sagot ko

Nagkaroon pa kami nang ibang topic bago ibaba ang tawag. Nagpalit ako ng damit dahil pupunta ako sa mall para bumili nang maayos ko na maissuot bukas.

Pagdating ko sa mall ay agad akong pumunta sa boutique na pang babae. Pumili ako ng formal na damit na masusuot ko bukas.

Hindi pa din ako nakakapag paalam kay Nimbus na may screening ako bukas. Mamaya ko nalang nga sya sasabihan.

Nang magbabayad na ako sa counter ay napatingin ako sa kabilang shop ng mga jewelry. I saw a familiar built of a man, may kasama itong babae na nakahawak sa braso nya. Tiningnan ko nang maigi kung tama ba ang nakita ko but kung kalian haharap na sa pwesto ko ang nakatalikod na lalaki may humarang sa pagtingin ko.

"Hey" napa-angat ako ng tingin dahil sa lalaking nagsabi nun.

I rolled my eyes at him. "Galit ka nanaman? Parang pag nagkikita tayo lagi ka nalang galit." Naka ngising sabi nito

"Pwede ba umalis ka dyan at may tinitingnan ako." Sabi ko bago sya hawiin.

Pagtingin ko sa shop na iyon ay wala na yung dalawa. Is it him? Maybe no, sabi nya may flight sya.

Bumuntong hininga nalang ako.

"Ang lalim naman nun." Mapang-asar na sabi nito saakin.

Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad nalang papalayo.

"Wait for me." Parang bata na sabi nito an d now he's beside me.

HUminto ako at tumingin sakanya kaya huminto din sya at tumingin saakin.

"Pwede ba? Mag hanap ka nalang ng ibang iinisin, I have a husband, ok?" sabi ko dito.

He looked at me and laugh. HInampas ko ang braso nya kaya napatigil sya sa pagtawa.

Now he's serious. "Arrange marriage really suck, right?" Kumunot ang noo ko.

"N-no" sagot ko

Tinaas nito ang isang kilay na parang sinasabi na hindi sya naniniwala.

I rolled my eyes and started walking again.

Nakahinga lang ako nang nakasakay na ako sa kotse ko. Maybe Cumulus is right. Arrange marriage really suck.

Occupation Series #2: The PilotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon