KABANATA 30

8.7K 183 5
                                    

Pagkatapos kong manggaling sa Hospital ay agad akong dumiretso sa bahay namin ni Nimbus.

Nakasalubong ko si manang pero agad akong pumunta sa kwarto ko para mag ayos ng gamit.

"Hija, anong gagawin mo sa mga gamit mo? " tanong saakin ni manang habang nasa pinto ito.

Nilagay ko ang mga damit ko sa maleta ko. "Aalis na po ako manang. " sagot ko.

"Hija, alam kong darating ang panahon na lalabas din ang totoo. " sabi nito.

Ngumiti lang ako ng tipid sakanya. Nang matapos ako sa pag iimpake ay agad akong lumabas ng bahay.

Yumakap ako kay manang bago pumasok sa kotse ko. Wala akong ibang mapupuntahan kundi ang condo ni Chelsey.

Nang makarating ako sa condo ni Chelsey ay agad akong sumakay sa elevator.

Pag dating ko sa tamang floor ay agad akong bumaba. Kumatok ako sa pinto, Ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto.

Napakunot ang noo ko dahil si Cumulus ang nagbukas pero wala ako sa mood maka usap about sakanila.

"Deiva?  Anong nangyare? " tanong ni Chelsey habang nakatingin sa maleta na dala ko.

Umupo ako sa sala nila at nagsimulang magkwento ng nangyari.

"That asshole!" galit na usal ni Cumulus.

"Can I stay here? " tanong ko Kay Chelsey.

"Of course you can. " sagot naman nito.

Kinaumagahan ay agad akong nagising at nag ayos ng sarili. Pumunta ako sa kusina ay halos bumaliktad ang sikmura ko nang maamoy ko ang niluluto ni Chelsey.

Nagtungo ako sa lababo para magsuka. Ugh,  morning sickness.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Chelsey sa likod ko.

"Deiva, are you pregnant? " tanong nito.

Nagpunas ako ng bibig at humarap sakanya.

"Yeah. " sagot ko.

"Wala kang balak sabihin kay Nimbus? " tanong nito.

"What for?  Baka hindi nya tanggapin ang anak ko. " sagot ko.

Pagtatapos naming mag almusal ay pumunta kami sa Red Fashion.

"Tita Cynthia, sorry po kung pabago bago ang desisyon ko, pero gusto ko po ulit tanungin kung pwede pa po ba ang offer nyo? " tanong ko.

Nasa loob ako ngayon ng office ni Tita Cynthia.

"Deiva hija, of course...pero hihintayin muna natin na lumabas ang baby mo. " napangiti ako dahil sa sinabi nito.

Ilang araw ang nakalipas na wala akong nabalitaan kay Nimbus. Ang huli kong balita ay nakalabas na si Lucy.

Bukas na ang flight namin papuntang Paris. Wala akong sinabihan kahit kanino sa mga kaibigan o pamilya ko.

Nang malaman nina mommy ang nangyare ay agad silang umuwi pero hindi ako nagpakita sakanila. Hindi ko din sinasagot ang mga tawag at text nila.

Kahit sa mga kaibigan ko ay wala akong nirereply-an.

Permion text me every minute bit I didn't reply.

I know it's unfair for them but this is what I want to be alone...

Kinaumagahan ay nagsuka ulit ako. Nag ayos na ako ng sarili dahil 12:00 ang flight namin. I wear a turtle neck long sleeve and a denim jeans. Pinatungan ko ito ng beige trench coat.

Ayos na lahat ng kailangan ko. Kasama ko papuntang Paris sina Chelsey, Cumulus and Tita Cynthia.

"Are you ready?" tanong saakin ni Cumulus.

Nasa airport na kami at kaka announce palang ng flight namin. Napatingin ako sa buong paligid.

I will start a new life without the person who I love but hurt me big time.

I will start a new life with my baby... No one will know that Nimbus is the father of my child. I don't him to be a father to my child I can raise him all alone.

Nagsimula na akong maglakad.  Pero hindi mawala sa isipan ko na baka may Nimbus na pipigil sa pag alis ko.

Ngunit hanggang sa makaupo ako sa upuan ng aircraft ay walang Nimbus na nagpakita.

Another heartache for me. Bakit ba kasi ako patuloy na umaasa sa taong alam ko naman na walang pake saakin.

Bakit pa ako nag mahal ng taong hindi ako kayang mahalin pabalik?

"Welcome to Paris! " masayang sabi ni Cumulus nang makalapag na ang eroplano.

Napangiti ako sakanya. "You will start a new life with us. " nakangiting sabi ni Tita Cynthia.

Nangilid naman ang luha sa aking mga mata. Niyakap ko sila nang mahigpit.

Paris... A place where I will start a new life and pursue my career. Without the person who hurt me the most and leaves a mark on my heart that I will carry forever.

A/N: Thank you sa mga nag c-comment sa mga update ko and thank you din sa mga nag v-vote.

Let me know your reaction about this chapter. Thank you so much!

Occupation Series #2: The PilotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon