I

59.4K 853 266
                                    


STORME SWEVEN

Me: OTW

Chat ko sa group chat namin nang barkada pagkasakay ko nang jeep. May kotse ako pero tinatamad akong mag drive ngayon.

"Bayad po." Sabi ko at inabot yung bayad ko.

Tiningnan ko yung phone ko dahil sunod-sunod ang pagtunog nito. Siguradong puro reklamo na sila sa gc. First day naman, di pa naman ako late.

Cold: taenang otw yan. kanina pa ako dito oh!

Elijah: Gagu! ako una dito. Wala ka naman.

Cold: ay wala ba? haha

Me: Nakasakay na nga ako nang jeep ot! Ang dami nyong arte!

Eikko: Ako tumatae pa. tekaaa

Cold: taenamo!

Elijah: eewww...

Vernon: Putcha pare, ang aga-aga. Yang kababuyan mo talaga walang pinipiling oras.

Eikko: Ang aarte nyo! Bakit? Di ba kayo tumatae ha?!

Napailing nalang ako sa mga nababasa ko. Mga baliw talaga.

Nag para na ako after 10mins. Malapit lang naman kase ang school na pinapasukan ko. 10-15mins lang ang byahe dipende sa traffic.

"Oh. Hi Manong guard." Bati ko sa guard na ka close ko. Minsan ko kase syang nakaka kwentuhan dahil late ako minsan umuwi. Minsan kase ay hinihintay ko yung kuya ko.

Professor din kase si kuya dito. At minsan ay sabay kaming umuwi lalo na pag may practice ako nang sayaw. Dito lang din kase sa school ang practice namin pag may competition na gaganapin.

"Aga natin ah." bati nya din sakin.

"Yung mga unggoy kase kuya. Gusto maaga kami."

"Osya, pasok na." Tinanguan ko lang sya at pumasok na.

Me: Dito na is me. San kayo?

Elijah: I'm here sa cafeteria.

Cold: As usual, katakawan nanaman pinapairal.

Elijah: ulul. Gaya mo pa ako sayo.

Vernon: Dito na din is me.

Naglakad na ako papuntang Cafeteria. Malapit lang naman yun sa Building namin.

Nakita ko naman agad sila Eli.

"Oh? Akala ko ba hindi katakawan?" Sabi ko nang makaupo ako. Nakita ko kase si Eli kumakain.

"Pag kumakain katakawan agad? Hindi pweding gutom lang?"

"Sows! PG ka lang talaga." Biglang sagot ni Cold na kakarating lang.

"Yung mga nag set talaga na maaga daw kuno, pero sila tong late." Banat ni Eli.

Si Cold kase ang nag set na agahan daw naming pumasok ngayon. Ewan ko ba dito, first day na first day gusto maaga kami. Eh for sure wala naman masyadong gagawin.

"Hindi ako late. Maaga ka lang talaga."

"I second the motion." Taas kamay kong sabi. Late din ako e. haha

"Magsama kayong mga tamad. tss.." irap na sabi ni Eli.

"Manahimik nga kayo. Ang sakit nyo sa bangs." Singit ni Vernon sa bangayan namin.

"Ikaw Vernon wag masyadong masungit pare. Para kang naka mens e."

"Inaapi nyo nanaman si Vernon." Sabi nang kararating lang na si Eikko tsaka tumabi sakin.

"Papa Eiks! Pagtanggol mo ko." naka pout at pa-baklang arte ni Vernon.

"Pucha kadiri! Feeling ko talaga bading to e." Nandidiring sabi ni Cold. Kaya binatukan sya ni Vernon.

"Gagu! Babaha nang luha pag ako ang bumaluktot."

"Ulul! Kuntento na sila sakin."

"Pwe! Pareho lang kayong pangit." Naiiling na sabi ko sakanila.

"Manahimik na nga kayo. Nakakawala kayo nang gana." inis na sabi ni Eli. Pero ubos naman na nya yung pagkain nya. tsk.

"Gagu. e kumurap nga lang kami ubos na yang pagkain mo." Sabi ni Cold sakanya. Kaya natawa kami.


Pagkatapos nang bangayan sa Cafeteria ay pumunta na kami sa classroom. Dun kami sa usual seat namin sa likuran kahit malabo ang mata ko. May salamin naman kaya oks lang.

"Sabi nila may bago nanamang chix na prof." Sabi ni Vernon na nasa likod ko. Silang tatlong unggoy sa likod namin ni Elijah.

"Oh? Mas maganda kay Mam Ali?" Interesadong tanong naman ni Cold.

"Manahimik nga kayo. Puro kayo babae." Singit ni Eikko pero nagsalita ulit sya nang "Sexy ba?"

Napailing nalang ako sa kwentuhan nila. Mga babaero talaga.

Biglang nanahimik ang classroom nang may pumasok na isang babae. Mukha syang istudyante. Pero napansin ko ang suot nyang ID Lace for Professors ang suot nya so malamang ay prof sya.

"Pare yan na ata yung bagong Prof." Narinig kong bulong ni Vernon.

"Pre, chix nga."

Yep. No doubt. She's pretty. Matangkad sya, maputi, long hair na halos hanggang brwang. Parang perpekto ang mukha nya na wala ka talagang maipipintas dito. A Goddess indeed. Wala akong makitang mali from head to toe.

Nakadagdag din sa appeal nya yung suot nyang white long sleeves na pinatungan nya nang navy blue blazer at black pencil skirt. Simple yet parang ang classy tingnan sakanya. Jeezz.. I'm complimenting her too much.

"Good Morning Class. I'm Autumn Hernandez. I'll be your English Professor for the whole semester." Nakangiting sabi nya.

Hindi ko alam pero medyo napatulala ata ako sa ngiti nya. Naramdaman ko nalang na kinakalabit na ako ni Eikko.

"Ano ba?!" inis na bulong ko at lumingon sakanya.

"Pengeng index card." sabi nya kaya napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay may hawak na index card at nagsusulat.

Napakunot ako nang noo.

"Huy! Galaw-galaw. Humihingi si Mam nang index card with our names. Ano? lutang lang?" Sabi ni Eli habang sinisiko ako.

Agad naman akong nangalkal sa bag ko. Shit, natulala ako? Why?

Inabot ko naman yung isang index card kay Eiks.

"Ikaw first day wala kang gamit."

"Nandyan ka naman e." Naka ngising sabi nya. Kuripot talaga.

Ako ang huling natapos magsulat kaya ako ang magaabot nang index card naming lima.

Tumayo ako at binalingan sila.

"Yang mga paa nyo putulin nyo na. Hindi nyo naman ginagamit. tss.." Sabi ko at naglakad na papunta sa table sa harap.

"Mam." sabi ko sabay lapag nang index card sa harap ni Mam. Nag angat naman sya nang tingin.

Mas maganda pala sya sa malapitan. Is it legal to be that gorgeous. Ano daw?

Agad akong bumalik sa upuan ko habang napapailing sa naiisip ko. Ang weird ko ngayon.

Nag start nang magturo si Mam Hernandez. Ako naman ay seryoso lang na nakikinig sakanya. I don't know pero ang galing nyang mag turo. Yung tipong nakukuha nya yung atensyon mo.

Dahil ako? Nakuha nya yung atensyon ko. Na curious ako sa mga sinasabi nya. Na parang lahat nang lumalabas sa bibig nya ay napaka interesting na gusto kong itatak lahat sa utak ko.

Natapos nga yung klase nya nang di ko namamalayan.

"Uy, tara na." yaya sakin ni Eli dahil hindi padin ako tumatayo.

My Gosh! kahit pagliligpit nang gamit nya ay pinanuod ko hanggang sa makaalis sya.

O..kay? I'm really weird today.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon