STORME SWEVENPag gising ko ay nilalagnat ako. Ramdam ko ang lamig kaya pilit kong inabot ang remote nang aircon tsaka ito si-net sa fan mode.
Pag tingin ko sa orasan ay madaling araw palang, 3am. Umupo ako at sumandal sa headboard para uminom nang tubig. Lagi akong may tubig sa bed side table. Ininom ko din ang paracetamol na nasa drawer. Safe naman daw to kahit hindi pa kumakain e. Pagkatapos ay natulog na ulit ako.
Nagising ulit ako nang may maramdaman akong humahawak sa noo ko. Inaantok man ay pinilit kong imulat ang mga mata ko.
"Nay?" paos na sabi ko.
"Uminom ka na ba nang gamot?" Tanong nya kaya tumango ako.
"I need to go. May klase pa ako. Quynh is here, wala ang kuya mo kaya sya nalang muna ang bahala sayo." Sabi nya habang ako ay nakapikit. "Nandito na yung pagkain mo. Kumain at uminom nang gamot, okay? I need to go." She kissed my temple "Una na ako." Pagkatapos ay umalis na sya.
Muli akong nakatulog at naramdaman kong may gumigising sakin.
"Quynh?" Sabi ko habang nakapikit padin. Sya lang naman ang kasama ko e. Kaya hindi na ako nagabalang tingnan sya.
"You need to eat." Narinig kong sabi nya at inalalayan akong umupo. Sumandal ako sa headboard at papikitpikit padin. Parang ang bigat nang talukap nang mga mata ko. Ramdam ko din ang init nang katawan ko pero nilalamig ako.
"Ahh.." Sabi nya kaya ngumanga ako. Hanggang sa nakailang subo lang ako nang lugaw bago ako umayaw dahil dinadala na talaga ako nang antok. Nakapikit nga akong kumakain e.
Kaya pagkatapos kong uminom nang gamot ay kaagad akong nakatulog.
Nagising ako nang medyo maayos na ang pakiramdam ko. Ramdam ko din ang twalya sa noo ko.
Pero ang ipinagtataka ko ay may mabigat na nakadagan sakin. Ramdam kong may nakayapos sa bewang ko.
Nag mulat ako nang mga mata tsaka tumingin sa bandang bewang ko. Tama nga ako may brasong nakapulupot sa bewang ko.
Pagtingin ko sa side para silipin kung sinong nagmamay-ari nang brasong 'yon ay nanlaki ang mga mata ko.
What is she doing here?!
"M-mam?" utal na bigkas ko. Anong ginagawa ni Ms. Hernandez dito? At bakit sya nasa kwarto ko?
"Mmmhhh...?" She responded with a moan. Oh God.
Nakapikit sya kaya nagkaroon ako nang pagkakataong pagmasdan sya. Mahaba pala ang pilik-mata nya, matangos ang ilong nya at may kaliitan, Nang gumalaw ang labi nya na para bang ngumunguya ay lumabas ang dimple nya. Gosh! How can she look gorgeous but adorable at the same time? That's unfair.
Nagulat ako nang mas lalo pa nyang inilapit sakin ang mukha nya dahilan para mapigil ko ang hininga ko. Humigpit din ang yakap nya sakin. Sa sobrang lapit namin ay magtatama na ang mga ilong namin.
Untiunti syang nagmulat, isang mata muna pagkatapos ay ngumiti sya bago tuluyang nag mulat. Mas lalo ata akong kinakapos nang hininga. Gusto nya ba akong mamatay?! Jeez..
"Okay ka na ba?" Tanong nya at lumayo nang konti kaya nakahinga ako nang maluwag bago nya inalis ang towel sa noo ko na kanina pa nahulog dahil naka baling ang ulo ko sakanya. Pagkatapos ay hinawakan nya ako sa noo.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...