STORME SWEVEN"Mano po Nay." sabi ko pagkauwi ko.
"Oh, Kumain ka na ba?" tanong nya sakin dahil maaga akong nakauwi ngayon. 12pm kase ay tapos na ang klase ko.
"Opo, kumain na kami kanina nila Eiks. Matutulog nalang po muna ako." Sabi ko sakanya at umakyat na sa kwarto.
Medyo madami kasing ginagawa ngayon sa school dahil bukod sa maikli lang ang second semester ay 3rd year na ako. Madami din ang event ngayon dahil may dance competition kaming pinaghahandaan.
Kaya naman todo meeting na kami. At two weeks by now ay may practice na kami.
Hindi naman kami mayaman. May sarili lang kaming restaurant na si Tatay ang nagmamanage. Si Tatay ay isang Chef, Si nanay naman ay College Teacher sa ibang school. While si kuya ay sa school ko nagtuturo as a Chemistry Professor.
Simple lang naman ang buhay namin. Medyo spoiled pero nasa lugar. Hindi yung lahat nalang ipapabili. Nagiipon nga ako pambili nang sariling gaming computer dahil kotse ang ibinigay nila Nanay sakin nung birthday ko na hinuhulugan pa nila.
Pagkatapos kong magpalit ay nahiga na ako. Matutulog na sana ako nang tumunog ang phone ko.
"Ano nanaman?!" inis na tanong ko kay Eikko na nangistorbo nang tulog ko.
"Gala tayo! Ang boring dito sa bahay." malungkot na sabi nya.
"Tigil-tigilan mo ko Eiks ha?! Sana kanina mo yan sinabi bago tayo umuwi!" Kita mo to. Magkakasama kami kanina di nya naisip yun.
"eh ngayon ko lang naisip e. Tsaka balak ko sana maglaro kaso ang bagal nang internet. Kaya gala nalang tayo."
"Inaantok akooo.." Tinatamad kong sabi sakanya.
"Kita mo to. Parang di kaibigan e. Alam mo namang mag-isa lang ako."
"Utot mo. Balakadyan." Sabi ko at pinatayan na sya nang tawag.
Pumikit na ako para matulog. Pero nagpaikot-ikot nako sa kama ay hindi pa din ako makatulog.
Shet kang Eikko ka! Patay ka talaga sakin.
Kase naman ehh.. Nangonsensya pa kasi, nawala tuloy yung antok ko. Hindi pa naman ako makatulog pag may iniisip ako.
Eikko Styx, He came from a well known family. Madami silang business hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. But because of that his parents don't have time for him. Only child lang din sya kaya madalas talagang sya lang mag-isa sakanila.
He's a friend of mine since diapers days. Magkaibigan kase parents namin dahil naging magkaklase sila nung college sa ilang subjects. Kaya ako din madalas kasama ni Eiks.
Naiinis na tumayo ako at tinawagan ang siraulong si Eikko.
"Bihis na ako. hehe" bungad nya sakin pagkasagot nang tawag. Kilalang-kilala nya talaga ako. tss..
Marahas akong napa buntong hininga bago nagsalita.
"Sunduin mo ko bwiset ka! Tsaka Libre to! Wala akong pera." Sabi ko at pinatayan na sya nang tawag.
Nagsuot lang ako nang ripped jeans and gray loose shirt na naka tucked in sa harap. And my favourite Dr. Martens na black boots.
Bumaba ako at nagpaalam kay nanay nang mag text si Eiks.
"Sakay na po mahal na reyna." Sabi ni Eikko at pinag buksan ako nang pinto nang kotse nya.
Inirapan ko naman sya bago sumakay.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...