XXIX

11.5K 451 96
                                    


STORME SWEVEN

"Bye Nay! Love you!" Paalam ko kay Nanay dahil maaga ang pasok ko ngayon. Humalik ako sa pisngi nila ni Tatay.

"Drive safely okay?" Bilin ni Nanay kaya tumango ako.

Nag drive ako papuntang school. Maaga ang usapan namin nang barkada. Kahit na ayokong pumasok dahil makikita ko si Autumn ay kailangan. Gusto kong ipakita sakanya na malakas ako. Na hindi ako apektado. Na hindi porke gusto ko sya ay sakanya na iikot ang mundo ko. that's a no.

Mas lalo lang akong naging determinado na ipakita sakanya na magpupursigi ako para umangat sa buhay. Gusto kong patunayan na kaya ko. Pag ako yumaman who you talaga sakin yung Nanay nya. tsk.

"Hoy bruha! Saan ka ba nagsuot ha? Ilang araw kang cannot be reach!" Singhal sakin ni Eli nang maupo ako sa tabi nya.

"Dyan lang sa tabitabi." Sabi ko sakanya at inilabas ang notebook ko para mag review.

"Besh yung totoo? Gumagamit ka nang ipinagbabawal na gamot no?" Sabi nya kaya binatukan ko. Baliw din e

"Aray naman!" reklamo nya at hinimas ang ulo

"Gagu ka kasi, kung ano-anong pinagsasasabi mo dyan." Naiiling na sabi ko sakanya

"Eh ilang weeks ka nang ganyan. Study is life ang peg mo e dati naman chill lang tayo." Kunotnoong sabi nya

"Masama na bang magaral nang mabuti ha?"

"Hindi, pero nakakamatay ang biglaang pagbabago." Sagot nya kaya sinamaan ko sya nang tingin.

"Oh Bagyo. San ka ba nagsuot at hindi kita mahagilap? Sabi ni kuya Brylle nag bakasyon ka daw." Tanong ni Eiks nang dumating sya kasama yung dalawa

"Nag bakasyon ka? Bakit hindi ka nagyaya?! Grabe ka Stormy ha, friendship over na tayo!" Exaggerated na sabi ni Cold

"Hoy bakla, yung boses naman. Katabi mo lang kami. tsk." Inis na sabi ni Vernon.

"Maka bakla ka. Suntukan nalang oh?"

Napailing nalang ako sa bangayan nila. Natahimik ang lahat nang dumating na si Mam.

Hindi ko nanaman napigilang pagmasdan sya. Tumingin sya sa gawi ko at nagtama ang mga mata namin. I gave her an emotionless stare bago muling itinuon ang mata sa binabasa ko.

She never existed. Pretend that she's not there. Pretend that she doesn't exist. Please lang self, tama na ang katangahan. Quota ka na. Sasapukin na talaga kita. tsk.

Nagklase kami na hindi ko sya tinatapunan nang tingin. Ayoko nang mahulog sa mala anghel nyang mukha. She's nothing but heartaches. At ang tamang gawin ay ang iwasan sya.

Hindi nya din naman ako tinatawag para sumagot. Pareho ata kami nang theme, Ang "Pretend she doesn't exist". Natawa nalang ako sa naiisip ko. Nababaliw na talaga ako.

Pagka lunch break ay sabaysabay kaming nagpunta nang barkada sa cafeteria. Dumating din yung dalawang parang aso't pusa na sina Zed at Free.

"Baby. Eto kainin mo." Sabi ni Free na nasa kaliwa ko at iniusog palapit sakin ang fried chicken with rice.

"Tss.. She's allergic to that." Nakangising sabi ni Zed. Yan nanaman sila. tsk.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon