XI

12.4K 458 139
                                    


STORME SWEVEN

"Dyan nalang po sa tabi, Manong." Narinig kong sabi ni Mam.

Bumaba ako at inalalayan si Mam palabas nang tricycle tapos ay nag bayad na sya. Hinawakan ko sya sa bewang at ang isang kamay ko ay sa braso nya para hindi sya mahirapan.

"I'm good here." Sabi nya pag katapat namin sa isang itim na gate.

Pansin ko ang laki nang bahay. It's a modern house na kulay puti at itim. Madami ding salamin ang haligi nang bahay. Halatang mayaman ang nakatira dito lalo na nang may guard na nag bukas nang gate.

"A-ah.. Sige po." Nahihiyang sabi ko. Bigla kase akong nahiya. Ang yaman pala nya, di hamak na hampaslupa lang ako kung ikukumpara sakanya.

Bakit kase hindi ko naisip na baka may kasama naman sya sa bahay at may tutulong sakanya. tsk. Nakakahiya, wala naman pala akong silbi dito.

"Una na po ako." Nakangiwing sabi ko pagkatapos ko syang bitawan at nakayukong tumalikod sakanya. Gusto ko nang magpalamon sa lupa sa kahihiyan.

"W-wait!" Napatigil ako nang bigla syang nagsalita. Nagtatakang lumingon ako sakanya.

"Pasok ka muna." Mahinang sabi nya. Agad din syang nag iwas nang tingin sakin.

"Po?"

"Tsk. Get inside." Tila inis na sabi nya kaya agad akong lumapit sakanya. Inalalayan ko sya ulit papasok sa loob nang bahay nya.

Inilibot ko ang mata ko pagkapasok namin. Bukod sa malaking garden ay kita ko din ang mga kotse na naka parada sa garahe nila. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nandun yung isang sports car na pangarap ko. A black and yellow camaro, old but still a bad ass. Damn!

May maid din na nag bukas nang pinto para makapasok kami sa loob nang bahay. I can't help but compliment their house. Ibang-iba sa simpleng bahay namin.

Ramdam mo yung pagka classy nang bahay mula tiles hanggang sa mga kagamitan. White and wood ang theme nang bahay with the touch of nude and black. Ang sophisticated din tingnan nang mga painting na nakasabit sa pader. Shet, mansion to.

Nagpatianod nalang ako kay Mam hanggang sa makarating kami sa sala nila at iniupo ko sya sa sofa. Ako naman ay nakatayo lang at namamangha padin sa pagtingin sa buong lugar.

"Miss Autumn" Biglang dating nang isang katulong. Bahagya pa itong yumuko.

"Get us some snacks." Sabi ni Mam at bahagya akong hinila paupo sa tabi nya.

"Yes Miss." paalam nang katulong pero bago pa sya umalis ay nagsalita na ako.

"Ate, uhmm.. Ice pack din po." Tumango naman sya at ngumiti "Salamat." Sabi ko at umalis na sya.

"Ano bang pumasok sa utak mo at sinundan ko ako?" Nakakunot noong tanong ni Mam sakin.

"Nahihirapan ka po kasing mag lakad. Napano po ba kase yan?" Tanong ko sabay turo sa kaliwang paa nya.

"Wala to, I got sprained. Natapilok lang." Sabi nya at inalis ang suot nyang sapatos bago hinilot. Kita ko ang pag ngiwi nya habang ginagawa nya yun.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon