III

23.5K 595 299
                                        


STORME SWEVEN

"Storme, Patulong naman nito." Biglang sabi ni Ma'am Hernandez sakin. Kami nalang kase ng barkada ang nasa room.

"Alin po Mam?" Tanong ko ng makalapit ako sakanya.

"Etong projector, sa third floor pa kase klase ko."

"Sige po." Sabi ko at inayos na yung projector at nilagay sa bag.

"Bagyo ako nalang." Prisinta ni Eikko

"Nope. Ako na. Sige na una na kayo." Sabi ko at sinundan na si Ma'am palabas ng room.

"Ang dami nyo po atang dala?" sabi ko dahil ang tahimik namin naglalakad.

"Ayoko na kasing bumalik sa faculty. Kaya dala ko na pati gamit ko for next class. Dito lang din naman."

"Sabagay, Tulungan nalang po kita. Break ko naman po after ng class ko sainyo."

"Really? Thanks." naka ngiting sabi nya.

"No problem. Kahit isang ice cream lang katapat." Biro ko sakanya. One rule para gumaan ang usapan ay magbiro ka. Madalas nga lang libre ang pumapasok sa utak ko. hehe

"Nako, May bayad pala to." Natatawang sabi nya.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tyan ko. Her laugh gives me butterflies. Damn.

"Thank You." Sabi nya ng makarating kami sa klase nya.

"No problem. Una na po ako." Sabi ko at umalis na.

Nakangiti akong naglakad papuntang Cafeteria dahil nandun na daw sila Eiks.

"Sana all ka close si Ma'am Beautiful." Sabi ni Cold ng makaupo ako.

"Yang utak mo talaga puro babae ang laman." Nakairap na sabi ni Eli.

"At least gwapo."

"Ulul." Sabay-sabay naming sabi.

Sabado ngayon at naisipan ko lang tumambay sa bahay. Parang nakakatamad lumabas.

May biglang nag notif sa phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bed side table. Nanunuod kase ako sa Netflix.

Autumn Hernandez Sent you a friend request

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. She sent me a friend request? For real?

Agad ko naman itong in-accept. Ilang minuto lang at bigla syang nag chat.

Autumn Hernandez

Autumn: Hey Storme, Sorry sa istorbo. But can you make a group chat and add your classmates?

Me: Po? Why?

Autumn: I just need to announce something. And hindi ko alam account nyong lahat.

Me: Sure po. Basta may bayad, pweding-pwede.

Autumn: Mukha ka talagang libre.

Me: Hindi ahh.. Medyo lang.

Hindi ko na naintindihan yung pinapanuod ko dahil medyo matagal kaming nag chat ni Mam.

Nakaka enjoy din pala syang kausap. Tho' inaasar ko lang naman sya. Napapangiti ako habang nag ba-back read ng convo namin. Kahit kani-kanina lang naman kami magkausap.

"Oy! Nginingiti-ngiti mo dyan?" Biglang pumasok sa kwarto ko si Eiks at naupo sa tabi ko sa kama.

"Wala! Dun ka nga. Ano nanamang ginagawa mo dito?" sabi ko sakanya at binangga sya tsaka ako tumayo.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon