XXXI

11.8K 403 178
                                    


STORME SWEVEN

"Wag kang maarte, hindi ka maganda." Sabi ni Raven at nauna nang sumakay nang sasakyan nya. Kita mo yun, hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto. Napaka!

Inirapan ko sya kahit na hindi naman nya nakikita bago sumakay. Hindi ko alam sa babaeng yan, nagyaya mag dinner pero wala man lang pagka gentlewoman sa katawan.

Masyado na ata kaming close at nagiging ganyan na sya sakin. Well ganun na din naman ako sakanya, I can be frank to her without feeling guilty.

Kung tatanungin nyo naman ako about sa nangyare last time. Ayun, iwasan to the max ang peg namin. I avoid her, she avoids me. Thank God hindi everyday ang pasok ko sakanya.

How can I even think of pursuing her when she's already taken, diba? Ouch. that stings a bit. But hey! Hindi pa katapusan nang mundo. Hindi pa sya kasal. I love her so i'll wait. Pero hindi ako magpapakatanga, I know i'm a nobody but I know my worth. And she have to know that too, na tao din ako. Nasasaktan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya

"You'll see." She said with a smile, a creepy one.

"You know you're creeping me out right? jeez.. Remove that smirk of yours."

"What?" She said in a defensive tone "I'm just excited."

"Excited from what?"

"Excited from seeing your reaction. I love your facial expressions, by the way." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"You're not going to scare me right? Because I swear Rave, masasakal kita." Banta ko sakanya, minsan pa naman maloko ang isang yan.

Last time she gave a fake cockroach and I almost died from heart attack. jeez.. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nang baliw na yan.

Nagtataka akong tumingin kay Rave nang ipasok nya ang sasakyan nya isang bahay na pamilyar sakin.

"Why are we here?" I asked but she just smiled at me.

Nauna syang bumaba bago ako sumunod. Sumalubong samin si Mama and her husband tito Rome.

Yes, nasa bahay kami nila Mama. Ano namang ginagawa namin dito? And paano nya nalaman ang lugar na to? Mas lalo akong nagtaka nang humalik si Raven kina Mama.

"Can someone explain to me? Ma? Rave?" Takang sabi ko nang makalapit ako sakanila.

"Anak." Bati ni Mama kaya lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi.

"Let's go to the dining room." Sabi ni Tito at naglakad na kami papunta doon

Sabay kaming maglakad ni Raven habang nauuna samin sila Mama. Siniko ko sya bago nagtanong "What's happening?" But she just shrugged at nauna na sakin. Bastos din e.

"I removed the chicken from the menu. Kumain ka nang marami Anak." Nakangiting sabi ni Mama nang makaupo kami. Magkatabi sila ni tito habang kami naman ni Raven.

"But before that. I need answers, please." nagtatakang sabi ko at nagpapalit-palit nang tingin sakanila.

"She's my daughter." Mama said. Teka— parang nabingi yata ako.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon