STORME SWEVEN"Thank You— Mam?" Gulat na sabi ko nang sya ang magbukas nang pinto.
Pinasadahan nya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Bago nagdilim ang mukha nya.
"What happened?! Who the fuck did this you?!" Napapikit ako nang mariin sa lakas nang boses nya. Pati ako ay natakot dahil ramdam ko ang galit sa boses nya.
"I.. uh.. Don't know?" Nakangiwing sabi ko. Hindi ko naman kase talaga kilala yung tatlong bruhang yun. tsk.
Napapikit sya at napahilot sa sintido nya. Alam kong nagpipigil na sya nang inis. Nagbuntong hininga sya bago hinubad ang blazer nya at ipinatong sa balikat ko. Inayos nya din ang buhok ko habang tulala lang ako sakanya. Ang lapit nya kase. jeez.. Baliw na ata ako, nakuha ko pang kiligin sa sitwasyon kong to. tsk.
"Let's go." Sabi nya at inalalayan ako palabas nang restroom. Pinagtitinginan tuloy kami nang mga estudyante. Shet lang, nakakahiya ata yung itsura ko ngayon. Aabangab ko talaga sa kanto yung bruhang yun pati ang dalawa nyang minion na hindi nabiyayaan nang script! tss..
"Kaya ko na Mam." Bulong ko kay Mam at bahagyang lumalayo sakanya dahil kaya ko namang maglakad magisa. Hindi naman ako nalumpo, medyo masakit lang yung tyan ko pero okay naman ako.
"No." Matigas nyang sabi at hindi binitawan ang magkabilang braso ko. Para tuloy syang naka-akbay sakin. Kinikilig nanaman ako. jeez.. You're a hopeless case Storme.
Nagbubulungan ang lahat nang nakakakita samin, sakin in particular. Ramdam ko ang mga titig nila at hindi ko gusto ang nakikita ko. Kinakaawaan nila ako. I don't need they're pity. tsk.
Nakarating kami sa isang kwarto. Teka, kanino to? Pagpasok namin ay inilibot ko ang mga mata ko. I thibk it's a private office. May table at swivel chair sa dulo. May mini kitchen sa may left side, tapos ay may banyo at cabinet din, then sala set sa may malapit sa pinto with TV pa. Sosyal.
"Kaninong office po to?" Tanong ko kay Mam na ngayon ay nasa may cabinet na at may kung anong hinahanap dun.
"Mine." Sabi nya at lumapit sakin habang may dalang damit. "Here. Bago palang ang mga yan. Kakatapos lang kase nitong office ko. Magpalit ka muna bago tayo magusap." Sabi nya at pinapasok ako sa banyo.
Naghubad na ako nang mga basa kong damit. Kita ko ang pasa sa may tyan ko. Yung bruhang yun! Pag nagkita kami patay sya sakin! grr
Buti nalang at hindi nabasa ang dala kong pouch. Thank God at waterproof yun! Kung hindi ay basa ang phone at wallet ko.
Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako. Isang white maong short at grey oversized shirt ang ipinahiram nya sakin. Nakita ko si Mam na may kausap sa cellphone nya at nakatayo malapit sa table nya.
"Okay. Bye." Yun lang ang narinig kong sabi nya bago nya ako binalingan.
"Sit." Sabi nya at itinuro ang sofa bago sya umupo sa tapat ko.
"Now tell me what happened."
"Uhmm.. Wala po to. Napagtripan lang po ako." Kamot ulo kong sabi. Galit nanaman kase sya. Kinakabahan talaga ako pag ganyan sya. But I also can't help it but to gush over her. She looks hot looking all serious. Deym.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...