IV

16.7K 489 129
                                    


STORME SWEVEN

Napapangiti ako habang naglalakad papasok nang room. Maganda ang gising ko dahil ka chat ko si Mam Hernandez kagabi.

Kinukulit ko lang naman sya about sa lesson namin na kunware ay hindi ko maintindihan. Sinasagot naman nya ang mga tanong ko.

Minsan inaasar ko din sya dahil madalas ay makakalimutin sya. Minsan ako naman ang inaasar nya dahil maliit daw ako. Hindi kaya no! Matangkad lang talaga sya.

Kinukulit ko din syang pahiramin ako nang libro dahil na banggit nyang madami syang libro at hilig nyang mag basa.

Kahit hindi ako nagbabasa ay nanghihiram ako. Hindi ko din alam kung bakit pero nag eenjoy kase ako dahil humahaba yung usapan namin.

Ngayon nga ay may usapan kaming pupunta akong faculty mamaya para kunin yung libro na ipapahiram nya. Wala kase kaming klase ngayon sakanya.

"Anong ngiti yan ha?" Sabi ni Eli nang makaupo ako sa tabi nya.

"Ngiting magpapabihag sayo." sabi ko na syang ikinairap nya.

"Ulul, nababaliw ka na naman. Nahawa ka na talaga kay Cold e."

"Anong ako?" Sabat ni Cold na kakadating lang.

"Ang lakas naman nang pandinig mo. Sana ganyan din yung utak mo. Ang hina e." pangasar naman na sabi ni Eli.

"Abat! Ang aga-aga Eli ha. Wag mo kong simulan."

"Edi tapusin ko nalang."

Napailing nalang ako sa bangayan nang dalawa. parang mga bata talaga.

"Baka kayo magkatuluyan nyan ha." sabi ni Eiks at naupo sa likuran ko.

"Gagu." sabay na sabi nung dalawa habang masamang nakatingin kay Eiks.

"Chill! Sinasabi ko lang naman. Ganyan na ganyan kase nag simula ang love story nila lolo." Natatawang sabi ni Eiks na syang ikinatawa ko din.

"Sabi na may poreber e." Sabi ko at nag apir kami ni Eiks.

Kaya naka tanggap naman kami nang batok mula sa dalawa.

Nagpaalam ako kina Eikko na mauna na sila sa cafeteria dahil pupunta lang ako saglit sa faculty.

Ang sabi ni Mam breaktime nya din nang ganitong oras.

Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Nakita kong napatingin sakin lahat nang prof na nadun. Nakaramdam naman ako nang hiya.

"Oh. Come here." Sabi ni Mam Hernandez kaya pumasok ako at lumapit sa table nya.

Buti nalang konti lang ang prof na nandito.

"Hi Mam." Bati ko sakanya nang makalapit ako.

"Here. Ibalik mo sakin yan haa.. Ingatan mo yan." Paalala nya at inabot sakin yung libro.

"Oo naaa.. Eto naman akala mo naman hindi ibabalik." Natatawang sabi ko sakanya dahil hawak ko na yung libro pero hindi nya bitawan.

"Naninigurado lang. Ingatan mo yan." Napangiti ako sa sumaludo sakanya.

"Yes Mam."

"Osya shoo.. Break-time na."

"Ikaw Mam? Dika kakain?" Tanong ko sakanya.

"Kakain—" hindi nya natapos magsalita nang may nagsalita mula sa likod ko.

"Let's go?" Napalingon ako at nakita ko si kuya.

Napakunot ang noo ko at nagpabalik-balik ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Waits. Ayusin ko lang gamit ko." Sabi naman ni Mam.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon