STORME SWEVEN"Storme, baby. Please let us explain." Rinig kong sabi ni Nanay habang patuloy na kumakatok sa pinto nang kwarto ko.
Ano bang meron sa araw na to hindi ako tinatantanan nang problema?! Kailangan ko bang magpa albolaryo para layuan ako nang mga hinayupak na problema'ng yan?!
Hindi ako sumagot at nagtalukbong lang nang kumot. Galit ako, galit ako na itinago nila ang lahat sakin. How can they do this to me?!
Damn it! Ampon lang naman ako. In my nineteen years of existence, nalaman kong ampon ako. Kung hindi pa nakakabigla yun ay dumating ang totoo kong Nanay at gusto nya akong kunin. Wow lang diba, ano ako? Laruan na ipinahiram nya at ngayon ay gusto nyang bawiin? Damn her!
"Anak please.. Listen to me first. hmmm?" Rinig kong sabi ni Tatay. I'm a Tatay's girl. Naaalala ko pa nung elementary ako, sabay kami laging mag almusal. Sya ang nagturo sakin kung paano uminom nang kape at isawsaw ang pandesal.
Kung paano nya ipuslit ang candy sa kwarto ko dahil binabawalan ako ni Nanay kumain nang candy nung bata ako.
Kung paano nya ako turuang mag luto tuwing may free time sya. I always admire him. Nagsumikap lang si Tatay para makapagaral sya. Naglako sya nang ice candy at naging vendor nang ice cream nung kabataan nya.
I always want to have a man like my Tatay. But fate want some twist it became a woman instead of a man. tsk.
Tumayo ako para pagbuksan sya nang pinto. Sumalubong sakin si Tatay kaya muli akong naiyak at yumakap sakanya.
"No.. No.." Sumamo ko sakanya "You're my Tatay. Ikaw lang at si Nanay ang mga magulang ko. Please Tay." Dagdag ko at humagulgol sa dibdib nya.
Hinaplos nya ang buhok ko "Shh.. Silly, of course ako ang Tatay mo. Saakin ka yata nag mana nang galing sa pagluluto." Sabi nya kaya medyo tumahan ako.
Naupo kami sa kama ko pagkatapos ay pinunasan nya ang mga luha ko.
"Anak kita. Tandaan mo yan." Sabi nya kaya tumango lang ako.
Bumuntong hininga muna sya bago muling nagsalita "Kaibigan nang Nanay mo ang babae kanina. Ang lola mo ay kasambahay sa pamilya nang Lavier. Sila ang nagpaaral sa Nanay mo. At ang babae kanina ay ang nagiisang anak nang magasawang Lavier, si Dorothy Lavier."
"Sya.." He paused for a second bago muling nagsalita "Sya ang totoong Nanay mo."
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi ni Tatay. Ang sakit lang, na all this time ampon pala ako.
"Pero hindi ibigsabihin na hindi na kita anak. That never change the fact na magulang mo kami nang Nanay mo at anak ka namin. Isipin mo nalang nadagdagan kami. You have additional parents now." Sabi ni Tatay at hinaplos ang likod ko.
I leaned over his shoulder. "But I don't need an additional parents. Sapat na kayo sakin." Malungkot na sabi ko.
"It's fine. Hindi kita pipilitin sa gusto mo. Malaki ka na. Ang gusto ko lang ay kausapin mo sya. Gusto kong maliwanagan ka sa mga bagay-bagay. I want you to feel complete. Alam kong marami kang tanong sa isip mo na kailangan nang kasagutan."
He's right. Napuno nang mga tanong ang utak ko. Gusto kong magalit, pero hindi ko pa alam ang buong kwento. Gusto kong malaman kung bakit nya ako ipinamigay. Kung bakit sila Nanay ang nagpalaki sakin.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...