XIII

12.5K 493 163
                                    


STORME SWEVEN

"Bawal yan. Matamis yan." Sabi ni Eiks kay Zed nang iabot sakin ni Zed ang dala nyang Silvana.

"At bakit?" Mataray na sagot naman nung isa.

Nakaupo kaming lahat sa dining area. Lumipat ako sa head of the table part habang sa kanan ko si Mam. Yung dalawa naman ay magkatabi sa left side ko, si Eiks ang katabi ko tapos katabi nya si Zed. Nagagawan pa talaga sila kanina sa upuan. tsk. tsk.

"You really don't know her don't you? Kapag may sakit yan may tonsillitis yan. Kaya bawal ang matamis. Kita mo nga tong ulam, sinigang. jeez.. Wala ka talagang sense." Naiiling na paliwanag ni Eiks.

Tama naman ang sinabi nya. Mahina kase talaga ang lalamunan ko kaya pag may sakit ako ay palagi akong paos or nawawalan nang boses.

"Love, totoo ba?" Naka pout na sabi ni Zed.

I nod in response "Okay lang yan, ilagay nalang natin sa ref at pag okay na ako ay kakainin ko yan." Pambawi ko sakanya dahil nalukot na ang mukha nya dahil sa nalaman. Medyo masama padin kase ang pakiramdam ko. Ramdam ko din ang panunuyo nang lalamunan ko.

Inabot ko ang paperbag at inilagay yun sa ref bago muling umupo.

"Here. May dala akong lemon juice with honey." Sabi ni Eiks at inilabas ang tumbler mula sa paperbag na dala nya. He really knows me kaya alam nya kung anong kailangan ko tuwing may sakit ako.

"Thanks Eiks." Nakangiting sabi ko bago kinuha yung tumbler mula sakanya at uminom. Medyo mainit pa yun at sakto ang lasa para sakin.

"Kitams?" Pagyayabang ni Eiks kay Zed kaya napailing nalang ako.

Bumaling ako kay Mam at masama ang tingin nya sa dalawa. Baka naaasar na din sya sa bangayan nila.

"Isa." Banga ko sa dalawa dahil naguumpisa nanaman silang mag staring contest. "Kung magtatalo kayo, umuwi nalang kayo." Dagdag ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Tss.. Bakit kase nagpapapasok ka nang unggoy dito Love e."

"Kung meron mang hindi dapat papasukin dito, ikaw yun. Wala ka namang ambag. tsk."

Sinamaan ko sila nang tingin kaya napatikom ang bibig nung dalawa. Tatamaan na talaga sakin tong dalawang to e. Istorbo na nga sila nagbabangayan pa.

"Anyways, Bakit nandito po kayo, Mam?" Takang tanong ni Eiks kay Mam.

"Don't tell me you're interested kay Love?" Nakataas ang isang kilay na sabi naman ni Zed.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Awat ni Eiks kay Zed at siniko ito.

"Just making sure." Hindi paawat na sabi ni Zed

"She's here because of kuya. Stop talking nonsense." Sabat ko nang magumpisang mag staring contest si Mam at Zed.

Napatingin sakin si Mam at tinaasan ako nang isang kilay. I know, I lied. Pero baka kung anong isipin nung dalawa. Baka mahalata pa nila na gusto ko sya.

"Ahh... Kaya pala." Tanging sagot ni Eiks habang mukhang hindi masyadong kumbinsido si Zed. Malakas din talaga ang pakiramdam nang isang to e.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon