VI

14K 458 139
                                    


STORME SWEVEN

Naiinis pa din ako kay Mam kaya hindi ako nag chachat sakanya. Madalas naman talaga na ako lang ang naguumpisa nang convo e, feeling ko tuloy ipinagpipilitan ko lang ang sarili ko sakanya.

Parang ayaw naman nya akong kausap at napipilitan lang mag reply dahil makulit ako. Kaya mas okay nang tumigil ako.

"Ilang araw ka nang bad mood. Gusto mo gumala tayo?" Tanong ni Eiks habang nag da-drive. Tinatamad akong mag drive kaya nakisabay nalang ako sakanya papasok at pauwi.

"Tinatamad ako." Bored na sabi ko habang nakasandal ang ulo sa bintana.

"Uhhmm.. let's swim." Sabi nya

Hindi na ako sumagot. Alam nya talaga pag stress ako. I always swim pag stress ako or madaming iniisip.

Madalas kaming mag swimming sa hotel nila Eiks. Pag darating kami ay pinapasara nya yun kaya kami lang ang tao.

"Iba talaga may kaibigang mayaman." Sabi ko at umahon na sa tubig at naupo nalang sa tabi habang naka lubog yung paa ko sa tubig. Si Eiks naman ay tumabi sakin.

"Naman! Ang swerte mo sakin no?" Mayabang na sabi nya.

"Tss.. Pinuri na nga nagbubuhat pa nang sariling bangko. Be humble naman." Naiiling na sabi ko sakanya.

"Ano ba kasing problema mo?" Tanong nya at umupo na sa tabi ko.

"Uhmm.. I don't know. I just hate the fact that Kuya Bryle is hanging out with Mam Hernandez."

"You're jealous?" Unsure na sabi nya. Napa kunot naman ako nang noo.

"Me? Jealous? No way!" I think that sounds defensive. tsk.

"Huh! Yes you are." Ngayon ay sigurado na nyang sabi.

"What makes you think I am?" Nakataas ang isang kilay kong tanong sakanya.

"Because your kuya don't have time for you anymore. Dati hinihintay ka nya para sabay kayong umuwi. Ngayon hinahayaan ka nalang nya."

Right. He's right. Yun nga siguro ang dahilan. Kase wala namang ibang dahilan para mainis ako.

"I guess you're right." Naka pout na sabi ko sakanya.

"See! I told yah. Don't worry, ako nalang magsasabay sayo pauwi kahit hatid-sundo pa." Sabi nya at kumindat pa sakin.

"Eeww! Tigilan mo nga yan. Hindi mo bagay. Kulang ka na ata sa magnesium. tsk."

"Ang arte neto. Yung mga ibang babae nga hindi ko pa kinikindatan patay na patay na sakin e."

"Ang hangin ha! Tara na nga, nilalamig na ako. Ang lakas nang hangin mo. Tsk." Sabi ko at tumayo na.

"Hindi ako mahangin! Ma-hot kaya ako." Sabi nya kaya sinipa ko sya sa likod kaya nahulog sya sa pool. Ako naman ay tawangtawa dahil mukhang nakainom sya nang tubig. Sinamaan nya ako nang tingin nang makaahon sya.

"God! Yang utak mo talaga pinasukan na din nang hangin." Naiiling na sabi ko sakanya "Wag kang didikit sakin. Baka sabihin nila magkakilala tayo." Dagdag ko at naglakad na paalis.

"Ang sama neto. Hintay naman!" Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nakahiga ako habang binabasa ang convo namin ni Mam. Bakit nga ba inuulit-ulit ko to? jeez.. ang weird ko talaga. Nageenjoy ba naman akong magbasa nito. tsk.

Nataranta ako nang mapindot ko ang like button. Bumagsak tuloy sa mukha ko yung phone dahil nabitawan ko sa sobrang taranta.

"Shit! Ang sakit!" Sabi ko at hinimas ang ilong ko. Ang shunga lang diba.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon