STORME LAVIER"Hello?" Sabi ko pagkasagot ko nang tawag
"Storme!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang mga hikbi ni kuya Brylle.
"Kuya? What happened?!" Tarantang sabi ko
"S-she.. She's dead.." Nakaramdam ako nang kaba dahil sa sinabi nya. Putcha, sino?
"Who?!" pero hindi sya sumagot at patuloy lang sa paghagulgol.
"Umayos ka nga!" inis na sabi ko sakanya
"Patay na sya! Tumalon sya. huhu" umiiyak pading sabi nya.
"Kuya ano ba?! Hindi kita maintindihan!"
"Nagpakamatay sya. Tumalon sya sa building." Umiiyak pading sabi nya
Pumikit ako nang mariin. Nauubos na ang pasensya ko "Sino nga?!"
"Yung sa series na pinapanuod—" Pinatayan ko na sya nang tawag. Nababaliw nanaman sya. Walang magawa sa buhay, palibhasa single ang siraulo. tsk.
Muling tumunog ang phone ko at muntik ko pang hindi sagutin dahil akala ko ay si kuya nanaman.
"Did you find anything?" Bungad ko sa kabilang linya pagkasagot ko nang tawag.
"Yes Ms Lavier. I don't have any details about the past yet, but for now I have something to tell you." Sabi nya kaya inihanda ko ang sarili ko
"She's a battered wife." Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. "Nalaman kong walang araw na hindi sya pinagbubuhatan nang kamay ni Mr Alonso. Halos arawaraw din sya sa hospital. She even had a surgery because he broke her ribs once." Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa narinig. Muntik ko nang masuntok ang lamesa at ihagis ang mga gamit dahil sa galit.
Putchang Alonso yan! Hayop! Gago! Walang hiya! Fuck that asshole! Pumikit ako nang mariin para pigilan ang galit ko.
"She's also a victim of sexual assault. Henry has been mistreating her in bed. He's impotence makes it worst. He can't accept the fact that he is impotent and do everything he wants." Nawala na ang control ko at naibato ko ang mouse na hawak ko.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita "Okay. Call me again if you find anything else. I need to go." agad na sabi ko bago ako nagmamadaling lumabas para habulin si Autumn.
"Where did she go?" Tanong ko kay Krystal at itinuro nya ang elevator kaya agad akong nagtungo doon. But before that I called the security para i check ang cctv kung saan ba nagpunta si Autumn. I have a bad feeling about this. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. She's emotionally unstable right now.
Hindi ako tanga para hindi mapansin ang trato ni Henry kay Autumn. Pagkatapos nang meeting namin nung nakaraan ay agad akong nag hired nang private investigator. Masyadong payat si Autumn, that's not normal and unhealthy. Lalo na nang makita ko kung paano hilahin ni Henry si Autumn.
I was in my car that time nang makita kong kaladkarin ni Henry si Autumn palabas nang restaurant. I hate her but I don't like the idea of her getting hit by an asshole. Pinilit kong isipin na away magasawa lang iyon pero hindi ko magawa kaya nagpaimbestiga ako. Lalo na at lulong sa droga si Henry. Walang makakapagsabi kung anong pwede nyang gawin.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...