XXXIII

11.8K 420 106
                                    


STORME SWEVEN

"Ma i'm home!" I said as soon as I entered the house.

"Kitchen!" I heard her voice echoing around the house.

Naglakad ako papunta sa kitchen kung saan nakita ko si Mama na nagbabake. She's with Papa and they're playing like kids. May harina pa sila sa mukha. I smiled at the sight of them.

"Hi Ma, Pa." Bati ko sakanila

"Where's our kiss?" Mama asked nang maupo lang ako sa stool in front of the counter.

"Nah-ah. Not while you two looking like that." I said shaking my head.

They both laugh "Oh.. Yeah.. I agree with you on that." Sabi ni Mama pagkatapos nyang tingnan ang sarili at ang itsura ni papa.

"What's the dinner?" Tanong ko bago kumuha nang mansanas sa counter

"Are you good with your Mama's baked cookies?" Papa asked me while wiggling his eyebrows.

"No thanks. I'll stick to the apple." Umiiling na sabi ko kaya sinamaan ako ni Mama nang tingin.

Mama has been into baking these past few days. Lagi syang nagpapractice and lagi ding failure. Tinutulungan din sya ni Papa pero wala talaga. Magaling kasing magluto si Papa, ewan ko lang sa baking.

Papa laugh kaya nakatanggap sya nang siko kay Mama kaya natawa ako. "Wala kang karapatang tumawa! Wala ka din naman naitutulong. tsk." Naka pout na sabi nya

"Eto naman. Joke lang." Sabi ni Papa bago humalik sa pisngi ni Mama "Anak, Set the table. Tapos na akong magluto kanina pa." Sabi nya sakin kaya sumaludo ako bago kumuha nang mga plato at kubyertos.

It's been two years since I left the Philippines. I studied and graduated. I invested in stocks at kumikita na ako kahit na wala pa akong trabaho. Pinagaaralan ko pa bago ako magtayo nang sariling negosyo.

Ayoko kasing umasa kila Mama. Ang business ni Papa dito sa New York is an IT company habang si Mama ay nagtayo nang Malls. Nalaman ko din na my grandparents ay mga kilalang tao sa Pilipinas.

Gulat na gulat ako noong malaman kong sila lolo ang mayari nang kilalang Construction company. Engineer kase si Lolo and pamilya naman ni Lola ay manufacturer or material supplier. Kaya naman pala nag click ang dalawa. Arrange marriage daw sila ang kaibahan lang ay mahal nila ang isat-isa.

Sa ngayon ay ang mas nakababatang kapatid ni Mama ang namamahala nang business sa Pinas, si tito Denver.

"So? kamusta ang research mo?" Tanong sakin ni Mama habang kumakain kami. Isang buwan palang akong graduate at kasalukuyang nagiisip kung ano bang itatayo kong business.

"I'm looking into real estate business. Pinagaaralan ko pa po. Maybe in a few months ako mag start." Sabi ko sakanya

"That's good. Magandang mag invest sa lupa." sagot naman ni Papa. I started calling him Papa dahil yun ang gusto nya. At naging close din kami.

Every sunday ay may family day kami. Minsan nandito si Raven pero dahil sa Pilipinas ang business nya ay mas madalas sya doon. Nandito lang sya tuwing may photoshoot or fashion show syang pupuntahan.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon