XXVII

11.4K 452 149
                                    


STORME SWEVEN

"Storme." Tawag nya sakin nang makalabas kami ni Raven sa Cafe.

Tumingin ako sakanya and smiled. Yan, be brave Storme. Autumn lang yan, Bagyo ka.

"Una na ako Mam. Kailangan ko na po kasing umuwi." Sabi ko sakanya

"What—" Naputol ang sasabihin nya nang biglang dumating yung unggoy nyang boyfriend. tss..

"Let's go?" Yaya nito kay Mam. Muntik pa akong mapaikot nang mata. Feeling gwapo kung maka ngiti, tss..

"Wait." Sagot ni Mam at bumaling sakin "Let me drive—"

"No need. I'll take her home." Singit ni Raven kaya napatingin si Mam sakanya.

"And who are you?" Mataray na tanong nito

"None of your business." Tipid na sabi ni Raven pero sobrang seryoso nang boses nya. Tumingin ito sakin "Let's go?" Sabi nya kaya tumango ako. Kanina ko pa talaga gustong umalis.

Inalalayan ako ni Raven sa bewang at akmang maglalakad na kami nang humarang si Mam.

"What? Ako ang nagdala sayo dito. Tsaka Kilala mo ba yan? Kailan mo ba nakilala yan? Are you sure na sakanya ka sasabay?" Kunotnoong tanong nito sakin

"Yes. She won't hurt me, don't worry." Sabi ko habang nagpipigil na mag taray, naiinis kase ako. Dun sya sa unggoy nyang boyfriend tss.. "Una na po kami." Magalang na sabi ko sakanya at hinawakan si Raven sa kamay bago hinila paalis.

Nagmamadali akong maglakad. Gusto ko na talagang makalayo dito, sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang rupok ko pagdating sakanya. Isa akong malaking tanga. tsk. But not anymore.

"Hey.. Slow down." Biglang sabi ni Raven kaya napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko napansin na nakaladkad ko na pala sya.

"Sorry." Sabi ko bago sya binitawan at yumuko. Bigla nalang kasing nagunahang tumulo ang mga luha ko.

"Hush now.. You'll be fine." Sabi nya bago ako niyakap. Wala na akong lakas tumanggi kaya umiyak nalang ako sa balikat nya.

Nang mahimasmasan ako ay sumakay na kami sa sasakyan nya. Tahimik lang kami habang nag da-drive sya at ako ay nakatulala lang sa bintana.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag byahe pero nakita ko nalang na nasa isang bangin kami. Lumilipad kase ang utak ko kaya hindi ko napansin na gubat pala yung dinaanan namin kanina.

Nagtatakang napatingin ako kay Raven. "Nasan tayo?" takang tanong ko sakanya. Ngumiti sya bago sumagot

"To my favourite place." Sabi nya bago nag alis nang seatbelt "Come, I wanna show you something." Dagdag nya bago bumaba.

Sumunod ako sakanya at napanganga sa nakita. It's a breathtaking view. Para narin akong nag hike sa taas nang kinalalagyan namin. Tanaw ko ang dagat mula rito.

"Wow." Manghang sabi ko bago pumikit at dinama ang hangin.

Kahit mag aalas dose na nang tanghali ang hindi parin ganun kainit. Madalas naman kase talagang malamig sa Batangas dahil mataas din ang lugar.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon