XVIII

13.2K 499 173
                                    


STORME SWEVEN

Napahilot ako sa sintido ko habang nakaupo sa isang upuan sa classroom namin. Kami lang nang barkada at ni Zed ang tao ngayon dahil ang lahat ay busy sa ibatibang booth at competition.

"How many times do I have to tell you not to act hasty." Mariing sabi ko kay Zed na nakatayo sa harap ko at nakayuko.

Si Eiks ay nakaupo sa armchair nang katabi kong upuan sa kaliwa at sa kanan ay nakaupo si Eli. Sa likuran namin ay parehong sa armchair nakaupo sila Vernon at Cold. Para kaming fraternity at si Zed ang new recruit. gosh.

"Sorry na Love. Hindi ko kasi napigilan nang malaman ko ang nangyare. May nakakita daw nang ginawa nila sayo habang hinaharang nung lookout yung mga gustong pumasok nang CR. Those bitches! I should've punched at least one of them. tsk."

Naihampas ko ang isang kamay ko sa armchair na kanina lang ay humihilot sa sintido ko. Kita mo to, mali na nga ang ginawa, nagiisip nanaman nang kabalastugan. tsk.

"You should've let me handle it! Hindi yung nandamay ka pa nang kotse. That's 2.7million worth of car! You moron!" Inis na sabi ko sakanya.

"Hey! No amount of money can compare to you." Hirit nya kaya sinamaan ko sya nang tingin.

"That's not the point! The point is, you used violence! Again! Hindi mo ba naisip na nakakahiya? Ano nalang ang sasabihin sakin nang parents mo? Na masamang impluwensya ako sayo? Nakaka disappoint na ilang ulit na kitang sinasabihan pero hindi ka nakikinig!" Sabi ko at napatayo na rin dahil sa inis.

"Hey calm down!" Awat ni Eli sakin.

"I just want to help you! I'm sorry okay?! I know it was wrong and childish. But I can't helped it. I want to do something for you." She said at frustrated na napasabunot sa sarili "I'm sorry if i'm such a disappointment!" dagdag nya bago nag martsa palabas.

"Zed!" Tawag ko at akmang hahabulin sya nang pigilan ako ni Eiks.

"Let her, palamigin nyo muna ang mga ulo nyo." Sabi nya kaya wala akong nagawa kung hindi bumalik sa pagkakaupo.

"I don't know what to do anymore." Nanlulumong sabi ko.

I know her intentions are good, but her ways are bad. Violence is not a great idea to beat violence. tsk.

"Calm down." Sabi ni Eli at tinatapik ang likod ko.

"But seriously, Zed just wanted to help. Mali man ang paraan nya pero yun ang alam nyang makakapagalis nang galit nya at paraan para makaganti." Paliwanag sakin ni Eiks

"Yup. For sure ikaw din naman diba. Gusto mong sabunutan yung mga bruhang yun." Eli said at napatango nalang ako dahil tama sya.

"Kaya nga. The least thing you could've done was to thank her." Sabi naman ni Vernon.

"Alam mo namang ganun na talaga yung si Zed. Mali na wala syang pakialam basta maipagtanggol ka lang nya. Pero ganun talaga pag gusto mo ang isang tao, you can't think straight." Sabi ni Cold.

"Wow ha.. May pinanghuhugutan?" Sabi ni Eli kay Cold

"Baliw."

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon