XXVI

12.4K 458 37
                                    


STORME SWEVEN

I woke up with the light beaming straight to my face. I let my eyes adjust to the light and saw an Angel. jeez.. I sound so corny.

Napangiti ako habang nakatingin sa babaeng katabi ko na payapang natutulog. This is unfair, how can she manage to look gorgeous while sleeping? Habang ako ay mukhang bruha sa gulo nang buhok at laway sa gilid nang labi ko. tsk.

Nakaharap sya sakin kaya malaya kong napagmamasdan ang maganda nyang mukha. Kung paanong perpekto ang tangos nang ilong nya hanggang sa may kanipisang labi. Mahaba din ang pilikmata at on fleek ang kilay.

Hindi ko din talaga masisisi ang sarili ko kung bakit patay na patay ako sakanya. Ganda nya e. tsk.

Nakarinig ako nang pag vibrate nang phone na nagmumula sa tabi ko. Pagtingin ko ay umiilaw ang phone ni Mam na nakapatong sa bed side table.

Umupo ako sa kama at kinuha ang phone nya. "Henry?" Napakunot ang noo ko sa nabasa. Kung hindi ako nagkakamali ay sya si Henry Alonso. Isang business man at nagmamayari ang pamilya nila nang mga banko sa buong pilipinas.

Napatingin ako sa katabi ko. Tulog padin sya at mukhang nananaginip pa dahil ngumingiti pa.

Muli kong tiningnan ang phone na hawak ko. Tumigil ito sa pag vibrate pero ilang segundo lang ay muling tumawag ang Henry na iyon.

May kung anong nagtutulak sakin para sagutin ang tawag. Bakit naman kase tumatawag sya nang ganito kaaga? Anong kailangan nya? Nakaramdam ako nang takot, he's pursuing her. Manliligaw? O baka sila na.

Napailing ako sa mga naiisip ko. Mas lalo ko lang tinatakot ang sarili ko. But I began to get curious. Are they?

I answered the call. Halos manginig pa ang kamay ko nang idikit ko ang phoe sa tenga ko.

"Hello? Love?" I heard. Nagmamadali kong pinatay ang tawag. Kumabog nang mabilis ang puso ko.

Shit. Love?!

Ibinalik ko ang phone sa bed side table at tumingin kay Mam. Napuno nang mga tanong ang isip ko.

Are you together now? Love ba ang tawagan nyo? But why did you brought me here? Bakit tayo nandito? Why did you.. kissed me.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga tingin nang Nanay nya sakin nung nasa kanila ako. Kung paanong harapharapan nyang ipinamukha sakin na si Henry ang gusto nya para kay Autumn. Kung paanong nandidiri sya sakin base sa mga tingin nya.

Right. I'm no one. Nothing but her student. I confessed but that doesn't mean kami na. Wala din naman syang sinabi na gusto nya ako. Ako lang naman ang nagpaasa sa sarili ko, na may something. Pucha'ng something yan! Na scam ako.

Bumangon ako at kumuha nang damit sa cabinet bago dumeretso sa banyo. 6:30am palang naman. Lalabas muna ako para makahinga. Suddenly, the room is suffocating me.

Nang matapos ako ay tulog na tulog parin si Autumn. Sabagay, lasing na lasing kase sya kagabi. Lumabas nalang ako at naglakad-lakad sa tabing dagat.

May mga iilang kagaya ko ay naglalakad. Meron ding nakatayo lang at ninanamnam ang lamig nang hangin. Merong mga batang naglalaro at nagsisitakbuhan. May iilang lumalangoy.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon