VIII

13.2K 440 47
                                    


STORME SWEVEN

"Ano ba? Utang na loob Zedy lumayo-layo ka sakin, baka hindi kita ma-tantsa." Asar na sabi ko kay Zed at pilit inaalis ang lingkis nya sa braso ko.

Simula kase nang magkita kami sa klase ni Ms Hernandez ay lagi na syang nakabuntot sakin. Ang nakakainis pa e halos same kami nang schedule. tsk.

"It's okay, I still love you kahit saktan mo ko." Sabi nya at kumindat pa. Kaya napaikot ako nang mata at sumuko na sa pagalis sa braso nya.

Nakakaramdam naman ako nang ilang masasamang tingin mula sa ibang nadadaanan namin.

Well, instant sikat kase tong si Zedy. Bukod sa mayaman sya ay talaga namang maganda. She's also fashionable, maayos sa sarili pero may pagka baliw. Nako, kung alam lang nila kung gaano ka kulit ang isang to baka ma turn off sila.

"Lagi mo talagang pinapainit ang ulo nyang si Bagyo. Kapag ikaw nasalanta nyan ewan ko nalang sayo." Naiiling na sabi ni Eiks. Kasabay naming naglalakad ni Zedy ang barkada papuntang cafeteria. Same kase time nang break namin ngayon.

"Okay lang. There's a rainbow after the rain. Kahit bagyo pa yan." Ngiting-ngiti paring sabi nung bruha. Sa sobrang positive nya baka mapagkamalan na syang may Covid. tsk.

"Bilib talaga ako sayo e. Lagi kang think positive, walang aayaw." Sabi ni Cold at nakipag apir pa kay Zed.

"Sagutin mo na kase yan Storme." Sabi ni Eli kaya kinurot ko sya sa tagiliran

"Tigilan nyo nga ak—" Naputol ang sasabihin ko nang saktong makasalubong namin si Ms Hernandez at si kuya Brylle pagliko namin papasok na sya namang palabas nila nang cafeteria.

"Zed?" Gulat na sabi ni kuya nang makita nya si Zed.

"Brother in law! Oh my gosh!" Biglang hyper na sabi ni Zed. Ako naman ay napako lang ang tingin kay Ms Hernandez na nakatingin lang din samin. Tapos ay tumingin sya sa nakalingkis na braso sakin ni Zed kaya agad kong inalis yun.

Naalis naman agad yun dahil nawala ang atensyon ni Zed sakin at kinausap si kuya. Close kase silang dalawa. Parehong baliw.

Pero bakit nga ba ako biglang na conscious? Basta ang unang pumasok sa isip ko ay ang ilayo si Zed sakin. Wala naman akong ginagawang masama pero parang ayokong isipin ni Mam na may something kami ni Zed. A

"Wala talagang sukuan ahh.. That's good. Ikaw lang ang makakatiis sa bugnuting ugali nang kapatid ko." Nakangiting sabi ni kuya kaya sinamaan ko sya nang tingin.

Hindi ko alam kung bakit naka bakod si kuya sa lahat nang gustong pumorma sakin pero pagdating kay Zed ay binubugaw nya ako. Is he even my brother? jeez..

"Opkors naman! Mahal ko yata to. Laban kung laban!" Sabi ni Zed at inangkla ulit ang braso sakin kaya automatic namang bumaling ang tingin ko kay Mam. Pero mukhang wala lang naman sakanya. Why do i feel disappointed? tsk. nababaliw na ata ako.

"Isa." Banta ko kay Zed at sinamaan sya nang tingin. Ang bruha ngumisi lang naman sakin. ugh! Masasabunutan ko na talaga to.

"Anyways. Una na kami. Bye guys." Sabi ni kuya bago bumaling kay Mam at niyaya nya na itong umalis na syang ikina-tango lang naman nung isa.

Naguumpisa nanaman akong mainis. Lagi ba dapat silang magkasama? Really? Sa loob nang school sila lumalandi? tsk.

Nawala ang tingin ko kina kuya nang hilahin na ako ni Zed papasok sa cafeteria. Lalo tuloy akong nawala sa mood. Hays.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon