STORME SWEVEN"Here." Sabi ko kay Autumn at inabot ang ice cream sakanya bago umupo sa tabi nya.
Nasa Madison Square Park kami. Nagkita kami kaninang umaga. Nag breakfast kami sa Coffee shop kung saan kami nagkita kahapon.
"Summer here is not that hot compared to Philippines, right?" Sabi ko habang tinitingnan ang mga dumadaan
"Yeah.." Sagot nya. Tumingin ako sakanya at nakita kong aligaga syang kainin yung ice cream nya na tumutulo na.
Natawa ako, she looks cute. Para syang bata. Tumingin sya nang masama sakin kaya nagiwas ako nang tingin habang nakangiti.
"Wag kang tumawa ang panget mo!" sabi nya kaya pinigilan ko ang tawa ko.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa St. Patrick. Kahit ilang ulit na akong nakapunta dito ay sobrang namamangha padin ako.
"It's gorgeous, right?" Bulong ko sakanya. Tumango lang sya habang namamanghang tumitingin sa paligid.
Nagdasal kami bago nag picture. I took her picture as a souvenir.
"Come on. Tayong dalawa naman." Sabi nya bago ako hinila palapit sakanya pagkatapos nyang magtanong sa isang dumadaan kung pwede ba kaming kunan nang picture.
Awkward akong ngumiti sa camera dahil naiilang ako sa pagkakahawak nya sa braso ko.
"Huy! Ngumiti ka naman. Halatang napipilitan ka e." Reklamo nya sakin
"What? That's my smile."
"Para kang natatae na ewan. tsk. Ayusin mo kasi!" irap na sabi nya bago muling tumingin sa camera.
I looked at her habang sya ay naka ngiti. Bakit ba ang ganda nya? Lalo na kapag ganyang masaya sya at parang walang problema. I unconsciously smiled while looking at her.
"Cute!" Sabi nang nagpipicture samin kaya nagiwas ako agad nang tingin.
Pagkatapos namin ay nagpunta kami sa isang restaurant para mag lunch. She's talking a lot habang kumakain kami. Hindi sya nauubusan nang kwento. And I think dahil doon ay nawala ang pagka awkward ko sakanya. Parang katulad lang nang dati. Na nagbibiruan kami, inaasar ko sya, walang problema.
Pakiramdam ko tuloy ay ako ang sumira sa samahan namin. Because I fell for her, nadamay pati yung pagkakaibigan namin. She was just supposed to be a teacher and a friend, nothing more. But I broke the rules, dahilan para masaktan kami pareho. especially me.
Pagkatapos ay naglibot kami sa Times Square. Nag window shopping kami at paminsan-minsan ay bumibili tuwing may magugustuhan.
"Tara dun tayo!" Sabi nya at tinuro ang isa sa Mall na ipinatayo ni Mama dito. Umiling ako sakanya at akmang lalakad na pero pinigilan nya ako.
"Bakit? Mukhang madaming magagandang stores dun. Tsaka para pag napagod tayo dun nalang din tayo mag dinner."
"May mas masarap kainan malapit dito. Dun nalang tayo." Sabi ko sakanya. Kilala kase ako nang ibang empleyado dun. Lalo na yung mga managers dahil ilang beses na akong isinama ni Mama sa office nya. Madalas kapag pinapatawag nya ang mga managers para kamistahin ang mall ay nandun ako.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...