XIV

13.2K 449 111
                                    


STORME SWEVEN

Nakalapat lang ang mga labi namin. Walang gumagalaw. Mariin akong nakapikit, hindi ko alam kung ganun din sya. Pareho kaming nanigas at dinadama lang ang pagkakalapat nang mga labi namin.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas nang loob para gawin to. Hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon nya mamaya.

But damn! Who cares? Because this is worth it. Tanggap ko kung sampalin nya man ako. Pray for me.

"Love!" Isang sigaw na narinig ko hindi kalayuan sa kitchen kasabay nang mga yabag nang paa.

Kaya naman naitulak ko si Mam nang bahagya para lang magkalayo kami. Nanlalaki ang mga mata nya at namumula ang mga pisngi.

"Love!" Biglang sulpot ni Zed kasunod si Eiks. Kanina lang ay pinapunta ko sila sa sala. Mga istorbo talaga tsk.

Pasimple akong naglakad papalapit sakanila habang si Mam ay nandun padin sa kinatatayuan nya.

"Oh?" kabadong sabi ko. Hindi talaga ako nagsalita nang mahaba dahil pakiramdam ko ay mauutal ako.

"Let's go to my place tomorrow? Mag rereview tayo." Yaya sakin ni Zed habang hinaharang si Eiks

"No! May lakad kami nang barkada bukas. Dun kami samin mag rereview!" Sabi naman ni Eiks at pilit lumalapit sakin pero hinaharang sya ni Zed. Para silang mga bata na nagpapapansin. tsk.

"Ano bang trip nyong dalawa? Pumirmi nga kayo." Naiiling na sabi ko. I'm so done with them. haynako

"Samin ka mag rereview diba?" Hopeful na sabi no Eiks.

Ganun din ang mata ni Zed. Ano ba kasing meron at bigla silang naging grade conscious lahat?! jeez..

"She's going to review with me." Biglang sabi ni Mam mula sa likuran ko kaya lahat kami ay napatingin sakanya.

Bumaling ang tingin nya sakin na para bang sinasabi nyang sumangayon ako kung hindi ay lalagutan nya ako nang hininga. katakot.

"What?!/Ha?" Magkasabay na reaksyon nung dalawa.

"We already talked about it. She's still sick so dito lang sya mag re-review. And Brylle asked me to help her since she's a hard headed one." Paliwanag nya na parang wala lang. Ako naman ay napatango lang nang panlakihan nya ako nang mata.

"What? I'll be joining you then." Zed said while crossing her arms. Nakataas ang kilay nito habang mataray na nakatingin kay Mam.

"Can I join too?" Alanganing sabi naman ni Eiks.

"No. Mag review kayo magisa at dun sa mga bahay nyo. Ano bang sumapi sainyo at naging grade conscious kayo bigla ha? Dati naman kahit bagsak kayo, okay lang. tss..." Mataray na sabi ko sakanila. Mas gusto kong masolo si Mam no. Istorbo na nga sila ngayon pati ba naman bukas? No. No.

"But Love—" Angal ni Zed pero sinamaan ko lang sya nang tingin.

"Tsk. Fine!" Asar na sabi nya at sinamaan nang tingin si Mam. Ano nanamang merong sakanila at kanina pa sila nagbibigayan ni Mam nang masamang tingin? tsk.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon