STORME SWEVENHindi ko alam kung kailangan ko ba syang iwasan, ngayong alam ko na at sigurado na ako sa sarili kong gusto ko sya.
Shet naman kasi, Bukod sa gender ay teacher ko pa sya. Hindi na nga tanggap sa school policy pati sa society tagilid din. Mas lalong tagilid na magugustuhan din ako ni Mam. Asa naman ako diba? Ano to? 10-90 ang laban? 10% chance, 90% talo. jeez..
At ang mas malala ay mas lalo kong hindi mapigilan ang sarili ko ngayon. Tuwing nandyan sya ay todo tambol yung puso ko, pag nagkaklase sya ay nakatulala at napapatitig talaga ako sakanya, kapag makakasalubong ko sya ay hindi ko alam kung tutuloy ba ako or lilihis nang daan.
Hindi ko na din sya tinutulungan sa gamit nya dahil mag papractice din kami nila Eiks sa music room kapag lunch time. At sinasadya ko talagang magmadaling lumabas nang room.
Pucha self umayos ka naman. Lagi ka nalang natataranta e.
"Huy! Ano bang meron sayo ngayon at lagi kang tulala ha?" Bulong sakin ni Eli.
Hulinghuli nya kase ako ngayon. Bakit naman kase ang ganda ni Mam? Lagi nalang syang maganda at hindi ko mapigilang wag syang pag masdan.
She's looking like a princess right now. Naka braid sya na falls at medyo kulot. Naka light makeup din sya at mukhang natural. Naka matte pink dress din sya ngayon na pinatungan nang black blazer with matching doll shoes. Simple but gorgeous. Damn.
"Madami lang akong iniisip. Malapit na kase ang competition tapos exam pa." Palusot ko sakanya nang hindi sya tinitingnan.
Tuwing magtatama ang mata namin ni Mam ay agad din syang umiiwas. Madalas ay hindi nagagawi sa pwesto ko ang tingin nya, para bang iniiwasan nyang magtama ang mga mata namin. Nakakahalata na kaya sya? Shet nakakahiya.
"Sabagay. Ako nga lang sumasakit na ang ulo sa pag rereview. Ikaw pa kayang may extra activities pa. Tsk. tsk." Narinig kong bulong ni Eli pero hindi ko na sya pinansin.
"Excuse Mam." Napatingin kaming lahat sa kumatok.
Quynh? Anong ginagawa nya dito?
"Yes?" Tanong ni Mam dito tsaka lumapit.
"Ahh.. Pinapa excuse po kase si Storme, dance practice po sabi ni Dean." Alanganing sabi ni Quynh.
May practice nga pala kami. Nawala sa isip ko. Nageenjoy kase ako sa klase. tsk. Dapat kase mamaya nalang e.
"Storme." Tawag sakin ni Mam tsaka itinuro ang pinto bilang permiso na pwede nakong lumabas.
Inayos ko na ang gamit ko. Ayoko man pero hindi pwede, last practice kase namin ngayon para makapag ready kami sa exams. After exam week ay balik practice ulit nun dahil ilang araw ay competition na.
Dance competition will be against other schools. Same as the battle of the bands. Pero sa Student's night ay mamimili nang ilalaban. Bale maglalabanlaban muna ang bawat department bago sumabak sa other schools ang nanalo.
Mukhang gusto kong pahirapan ang sarili ko dahil dalawang competitionpa talaga ang sinalihan ko. tsk.
Nagpaalam ako kina Eiks tapos ay Lumabas na ako at sinalubong naman ako ni Quynh at talagang tinulungan nya pa akong magbuhat nang mga libro ko. Humiram kase ako sa library kanina dahil nga kailangan ko ding mag review.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...