STORME SWEVEN"Hey.." Napatingin ako sa nagsalita, pag angat ko nang tingin ay tumambad sakin ang maganda nyang mukha.
As usual nakaupo ako sa bench dito sa garden para mag basa. Madalas din ay nasa library ako. Bukod kase sa pagaaral ay tinataguan ko din yung dalawang makulit. Si Zed and Free. Badtrip talaga ako sa dalawang yun dahil wala nang ginawa kundi mag bangayan sa harap ko.
After what happened sa bahay ni Mam ay iniwasan ko muna sya. Kailangan ko kasing magisip. I need time for myself dahil pakiramdam ko ay unti-unti na akong nawawalan nang kumpyansa sa sarili ko. My Self esteem hit the ground so hard na ang hirap nang ibalik.
"Busy?" Tanong nito at naupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko sya. Ngayon ko nalang ulit sya natitigan. Wala pading pinagbago. Maganda parin. tsk.
"Hindi naman po." Sabi ko sakanya at muling nagbasa. Ayokong tumingin sakanya nang matagal dahil pakiramdam ko ay mahahalikan ko sya nang di oras dahil miss na miss ko na sya.
"Aren't you stressing yourself too much from studying? It's good to see you study pero parang dyan na umiikot ang mundo mo." Narinig kong sabi nya pero hindi ko sya tiningnan man lang
"I'm fine." tipid na sabi ko sakanya
"No you're not. Hindi ka na nga din sumasama sa barkada mo. Hindi nadin kita nakikitang ngumingiti. Masyado ka nang seryoso." Inis na sabi nito at kinuha ang librong binabasa ko kaya kunotnoo ko syang tiningnan.
"Akin na yan—" sabi ko at akmang babawiin yun pero inilayo nya at tumayo.
"No. Come with me." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay tsaka hinila.
"W-what?! Teka!" Awat ko pero mahigpit ang hawak nya sakin kaya nagpatianod nalang ako.
"Get in." Sabi nya matapos akong pagbuksan nang pinto nang kotse nya.
"Huh?" Takang sabi ko pero tinutulak nya na ako papasok sa loob.
"Teka may klase—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isarado nya ang pinto nang makasakay ako
"May klase pa ako." Sabi ko nang pumasok sya at naupo sa driver's seat. Hindi nya ako pinansin at bigla nalang lumapit sakin.
Napapikit ako dahil sa gulat at lapit nya pero ilang segundo na ay wala namang nangyare. Nagmulat ako nang tingin at nakita kong nakasuot na ako nang seatbelt at ganun din sya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nagmamaneho sya. Friday ngayon at may klase pa ako. Ano ba naman tong trip ni Mam. tsk. Sya tong teacher pero hinihikayat nya pa akong mag cutting.
"Basta. You can sleep if you want. Mukha ka nang zombie." Naiiling na sabi nya.
Sa sinabi nya ay bigla kong naramdaman ang antok. Ilang araw na din kase talaga akong puyat. Gusto ko kasing alisin sa utak ko yung mapanghusgang tingin nang nanay nya pati na din lahat nang hadlang saming dalawa.
Hindi ko kase talaga mapigilang maliitin ang sarili ko. Damn i'm so useless. Kaya naman hindi tinantanan nang utak ko na magisip nang kung ano-ano kaya ibinaling ko nalang sa pagaaral ang oras ko.
Sumandal nalang ako sa upuan at tumingin sa labas. It's gloomy kahit pa 10am palang. Mukhang nakikisabay din ang panahon sa emosyon ko.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...