XXXIX

11.5K 428 200
                                    


AUTUMN HERNANDEZ

"Wala ka talagang kwenta!" Sigaw ni Henry pagkatapos nya akong sampalin. Nakauwi na kami at pagkapasok palang namin sa bahay ay sinalubong nya ako nang malakas na sampal.

Napaupo ako sa lakas. Hindi ko na napigilang maiyak. Bukod sa masakit ang sampal ay mas masakit na walang emosyon akong tingnan ni Storme kanina.

"Ikaw na babae ka. Wala ka na ngang kwenta ipapahiya mo pa ako?! Hanggang umalis yung tao hindi ka na nakabalik! Ano?! May nakita kang lalaki ha?!" Galit na sabi nya habang hinihila ang buhok ko kaya napatayo ako.

"M-masakit." Daing ko sakanya

"Talagang masasaktan kang malandi ka!" Galit na sigaw nya bago nya ako itinulak pabalik sa sahig at sinipa sa tyan. Matalino sya, sasaktan nya ako sa parteng hindi makikita nang tao.

Sanay na ako. Naging punching bag nya ako for three years now. Noong una ay ilang buwan kaming okay. Pero kalaunan ay naging bayolente sya. Na adik sa pagsusugal at droga.

Nung biglang umalis si Storme ay agad akong nagpunta sa mga barkada nya pero pati sila ay gulat din. Ang sabi din nang kuya ni Storme ay biglaan lang daw ang desisyon nito.

Sobrang sakit. Masakit na iniwan nya ako pero mas masakit na sinaktan ko sya kaya sya umalis. Ang gago ko, alam ko yon.

I love her. So much. Kaya nga ako bumabalik sakanya pero hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko kaya nasasaktan ko nanaman sya. That was my biggest mistake, ang paulit-ulit syang paasahin at saktan.

I was really happy nang umamin syang gusto nya ako. Dinala ko sya sa Batangas para makasama nang walang nakamasid samin pero nalaman padin ni Mama at ipinadala nya si Henry.

Hindi alam nang lahat pero, i'm not a Hernandez. Pangalawang asawa lang si Mama ni Papa at kabit lang sya noon. Kahit na may anak na si Mama ay pinakasalan parin sya ni papa, kaya na rin naging Hernandez ako.

Mabait si Papa, he's been good to me na aakalain mong sya ang tunay kong ama. Kung hindi nga lang napilit ni Papa si Mama ay hindi ako magiging teacher. Laging sinasabi sakin ni Mama noon na kailangan kong gawin ang gusto nya kung hindi ay palalayasin kami ni Papa, I was 5 at that time.

Hanggang sa lumaki ako ay kailangan kong i-please si Papa kahit hindi naman kailangan, I guess I was pleasing my Mother instead. Mama has always been a witch, mukhang pera. Inakit nya si Papa para hiwalayan nito ang dating asawa. Nakakahiya man pero yeah.. She's my mother.

"Fuck! Get up you bitch!" Sigaw ni Henry at hinila ang braso ko pero hindi ko kayang tumayo. Ang sakit.

"Hey! I said get up!" Sigaw nya pero namimilipit ako sa sakit. I guess I broke my ribs. fuck.

Nagising ako at nakita ang puting kisame. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang ako lang magisa sa kwarto.

I sighed in relief. Ayokong makita ang pagkumukha nang walangya kong asawa.

Two years after Storme went to New York ay sumunod ako. May balak akong magtago nalang doon dahil gusto nila Mama na ikasal ako kay Henry. But it didn't work dahil nalaman ni Mama. Pinapasundan nya pala ako. Kaya naman dumating si Henry sa New York nang galit na galit. Kinaladkad nya ako pauwi at agad kaming ikinasal ilang araw lang.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon