XXXXVIII

12.8K 432 14
                                    


STORME LAVIER

"Ang duga talaga nitong si Stormy e." Reklamo ni Cold nang makaupo ako. Kakarating ko lang sa meeting place namin which is sa restaurant ni Tatay.

Pare-pareho kase kaming busy but we all agreed to have lunch together. Ang wala lang ay si Free and Zed. May lakad daw kase yung dalawa. Nag date lang yun e.

"Bakit nanaman? Ang dami mo talagang reklamo sa buhay." Naiiling na sabi ko.

"Kaya pala ang lakas manlibre dito pala tayo dadalhin. Kuripot talaga." Sagot nya sakin

"At least libre. Ang arte neto."

"Kamusta Bagyo? Was everything settled?" Tanong ni Eiks sakin.

"Yup. I'm good." They don't know that I love Autumn, yet. Ang alam lang nila ay nadamay ako sa gulo nang pamilya nila. Si Eli lang talaga at Raven ang may alam.

Dumating na ang pagkain namin nang kalabitin ako ni Eli "Ano na? Kelan ka mag po-propose?" Bulong nya sakin

"Propose? Hindi pa nga kami." Bulong ko din sakanya

"What? Ang bagal mo naman."

"Pake mo ba?"

"Abat—"

"Hoy! Isali nyo naman kami dyan." Sabat ni Vernon samin kaya natigil ang bulungan nakin ni Eli.

"Ano yan?" Tanong ni Cold

Nagtinginan kami nila Eli at Raven. They actually arranged this lunch for me to talk. Gusto nilang sabihin ko na sa barkada kung ano bang nangyare sakin. Ang alam lang kase nila ay nagpunta ako nang New York dahil nalaman kong ampon ako at sumama ako sa totoo kong magulang.

Huminga muna ako nanv malalim bago nagsalita "I have something to tell you guys." Panimula ko bago ko ikinuwento lahat, well except the spg part of course. Sakin lang yun.

"That was.."

"What the hell.."

Ibaibang reaksyon ang natanggap ko mula sakanila. Cold was exaggerated, Eiks was shocked and Vernon was just a little shocked but chill.

"Taenamo Stormyyy! Ang daming ganap sa buhay mo pero hindi ka man lang nag kukwento?!" Exaggerated na sabi ni Cold at napatayo pa talaga sa kauupuan nya kaya hinila sya paupo ni Eli.

"Ang daldal mo, lalaki ka ba talaga?" Inis na sabi ni Eli bago takpan ang bibig nang boyfriend nya.

"I was shocked. But I understand if you were afraid of telling us. But I already had a hunch before." Chill na sabi ni Vernon

"Eiks?" Alanganing sabi ko nang balingan ko si Eiks. Hindi kase sya nagsasalita.

"Ehem, uhmm.. Sorry, I was just.. shocked."

"Babe samahan mo ko restroom." Sabi ni Eli sa katabi nya

"Kaya mo na yan— aw!" Sabi ni Cold at kinaladkad na sya paalis ni Eli.

Napatingin naman ako kina Raven na bigla nalang tumayo. "San punta?" Tanong ko sakanila pero ngumiti lang sila ni Vernon, nakita ko pang tinapik ni Vernon ang balikat ni Eiks bago sila umalis.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon