AUTUMN HERNANDEZ"What happened?!" Napatayo ako agad mula sa kinauupuan ko nang dumating ang nanay at tatay ni Storme kasama si Brylle.
"I'm sorry.. I'm so sorry.." Umiiyak na sabi ko.
Naisugod namin sa hospital si Storme. Pero nawalan sya nang malay at delikado ang lagay nya. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at magdasal.
"Shh... It's okay. It's not your fault." Sabi nang nanay ni Storme bago ako niyakap habang umiiyak. Mas lalo tuloy akong naiyak.
Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko naman talaga. Ako dapat yun e. And nadamay lang naman sya sa gulo nang buhay ko. Dapat talaga ay lumayo na ako sakanya. Hindi sana nangyare to. Pati sya nadamay sa kamalasan nang buhay ko.
Dumating ang mga pulis kanina. I don't know how pero may isang nagpakilalang private investigator. Sya ang kasama nang mga pulis kanina pero nakipagbarilan si Henry at nakatakas.
Dumating din ang barkada ni Storme pati ang kapatid nyang si Raven. Ang sabi pa nila ay pauwi na din daw dito ang tunay na magulang ni Storme.
Oh God. How can I face them after this? Ngayon palang ay gusto ko nang magtago sa hiya. No one is complaining that i'm here pero hindi ko mapigilang mahiya. I'm the wife of the suspect, pero walang sumisisi sakin. Sa halip ay isa-isa pa nila akong niyakap. I don't deserve this.
Now I understand why Storme is so forgiving. Lumaki sya sa isang maayos at mabuting pamilya. They taught her to be kind and do good. Hindi sya nagtatanim nang galit at puro kabutihan lang ang ginagawa nya.
Do I even deserve this? Do I still deserve her? Because after nang lahat nang nangyare ay hindi ko na alam. Puro sakit at kamalasan nalang ang dala ko sa buhay ni Storme.
Agad kaming napatayo nang lumabas ang doctor pagkatapos nang ilang oras. Lahat kami ay halos mahimatay na sa kaba at kakahintay. Nasa likod lang ako at pilit nilalakasan ang loob sa kung anong sasabihin nya.
"We did everything we could. She's safe for now." Sabi nang doctor kaya nakahinga kami nang maluwag "But we still need to monitor her. Her lungs got damage from the bullet, let's just pray na magising sya agad." dagdag nito
"Thank you doc." Pasalamat nang pamilya ni Storme.
I felt relieved dahil sa narinig ko. At least wala na sya sa panganib. Yun lang ang kailangan ko. Hindi ko napigilang maiyak, thank God.
Tumalikod na ako at naglakad paalis habang busy ang lahat na nagyayakapan. Hindi ko kayang mag stay kasama ang pamilya nya dahil hindi ganun kakapal ang mukha ko. Gusto ko man syang makita pero ayos na sakin ang malaman na ligtas na sya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya dumeretso ako sa apartment ni Papa. Magisa nalang si papa at nawala na rin lahat nang ari-arian nya. Ang tanging pang gastos lang nya ay ang inaabot ni Henry.
Natatakot akong baka pati si papa ay puntahan ni Henry. Mas lalong nadagdagan ang takot ko dahil alam kong hindi magdadalawang isip ang hayop na iyon na kunin ang lahat sakin, baka nga patayin nya din ako.
Storme is safe with her family. Pero kami ni Papa ay hindi. I need to think. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Henry.
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...