XXXV

13.1K 473 105
                                    


STORME LAVIER

Paglabas ko nang restaurant ay agad akong luminga-linga sa paligid pero wala akong makitang Autumn. Ni anino nya hindi ko mahagilap.

Naglakadlakad ako, nagbabakasakaling makita sya. Dapat pala ay hiningi ko ang number nya. Nakakahiya kasi kaya hindi ko ginawa.

Lakad-takbo na ang ginawa ko pero hindi ko parin sya makita. Nakalabas na ako nang mall pero wala parin. Anubayan!

Hinihingal ako bago naupo sa gilid. "Maybe destiny is against us." Bulong ko sa sarili habang nakatungo.

"Bakit ang tagal mo?" Nag angat ako nang tingin nang marinig ko ang iritadong boses nya.

Napangiti ako nang makita ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Tumayo agad ako "Akala ko wala ka na."

"Tss.. Akala ko susundan mo ko agad. But it took you too long to go after me kaya pumasok ako ulit. Nakakainis ka! Akala ko wala ka nang pake. tsk." Maktol nya habang naka labi kaya hindi ko napigilang mapangiti. Ang cute nya kasi.

"Sorry na. Hindi naman ganun, kailangan ko lang kasing magpaalam kay Rave. Ayaw nya kasing pumayag—"

"Gosh! Paalam? Bakit? Kayo na ba ha? That's why you need her consent?!" She rant kaya naitikom ko ang bibig ko. Sasagot na sana ako nang pigilin nya ako gamit ang palad nya "You know what. Don't answer it. Ayokong malaman." Sabi nya bago naglakad paalis.

Mas lalo tuloy akong napangiti. Ang cute nyang magselos. Kung selos nga ba yun. Basta ang cute nyang mag rant.

Agad ko syang hinabol "Hintay naman."

"Tss.. Dun ka na nga sa Rave mo!" Inis na sabi nya

"Sige. Sabi mo—" akmang lalakad ba ako pabalik pero agad nya akong hinawakan sa braso.

Ipinilupot nya ang kamay sa braso ko bago ako masamang tiningnan "At talagang susunod ka naman?!" Inis na sabi nya bago ako kinaladkad kaya natawa ako

"tsk. Manahimik ka! hmp!"

Dinala ko sya sa condo ko dahil hindi kami nakakain nang maayos kanina. I'll just cook for her.

"Take a sit. I'll cook for you." Sabi ko pagkapasok namin. Pinaupo ko sya sa sofa bago dumeretso sa kusina.

Tumingin ako nang pweding lutuin. Shrimp. Buttered shrimp nalang siguro. Kumakain kaya sya nun?

"Anong lulutuin mo?" Biglang sulpot ni Autumn sa likuran ko habang tumitingin ako nang lulutuin sa ref.

"Crepes! May balak ka bang patayin ako?" Gulat na sabi ko sakanya bago bahagyang lumayo dahil ang lapit nya sakin.

Bahagya syang tumawa bago naglakad papunta sa may counter at naupo sa Bass Stool.

"Buttered shrimp?" Tanong ko sakanya na syang tinanguan nya kaya inilabas ko na ang shrimp at inihanda ilang gagamitin ko.

Nagsimula na akong magluto. Medyo nakaka conscious dahil nanunuod sya pero mas nanaig ang gustuhin kong magpasikat sakanya.

"Uhhmmm... Ang bango." Sabi nya nang matapos ako.

"Let's eat." Sabi ko at inayos na ang pagkain namin sa lamesa.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon