STORME LAVIER"I'm fine." Sabi ni Autumn habang kumakain kami. Nakamasid lang ako sakanya. Hindi parin talaga ako maka get over na muntik na syang mawala. She almost died!
"Says the one who almost died. Yeah.. You are definitely fine." Sarcastic na sabi ko.
Ayaw nya kasing mag kwento at umiiwas sya sa topic. May alam na ako pero gusto kong manggaling sakanya mismo. I want to know everything.
She pouted pagkatapos nya akong iripan "Okay na ako." Tipid na sabi nya bago muling kumain.
Inilapit ko pa sakanya ang iba pang ulam "Kumain ka nang kumain. Liliparin ka na nang hangin sa payat mo. tsk." Sabi ko sakanya
Dinala ko sya sa bagong bili kong condo katabi nang kay Raven dahil mas malapit ito sa office ko. I also cooked for her.
My phone rang na nakapatong sa lamesa at nakita kong si Lu ang tumatawag. Napakunot ako nang noo, kailan nya pa napalitan ang pangalan nya sa phone ko? Paano ba naman kase "Baby Lu ❤️" ang name nya. Ang sarap lang ipahabol sa aso nung ulul na yun. tsk.
"Oh?" Tipid na sabi ko pagkasagot ko nang tawag.
"Baby! Napaka mo talaga! Wala ka naman dito sainyo! Nasaan ka na?" OA na sabi ni Ludic.
"Gosh Lu! Tone down your voice. Hindi ako bingi." Inis na sabi ko sakanya.
"Sorry. So ano nga? Nasan kana? Akala ko ba you'll cook for me?" Nagtatampong sabi nya. Napapikit ako nang maalala yun. Shet, oo nga pala. Dahil sa kagagahan ko kanina ay nangako akong ipagluluto sya.
"Sorry. Something came up. Maybe next time." Nakangiwing sabi ko sakanya.
"Tsk. Fine.. You better keep your promise or i'll get mad at you!" Banta nya sakin
"Really? Get mad then, I don't care." Walang pake'ng sabi ko. Isip bata lang talaga yan.
"Ang harsh! Umuwi ka—" Pinatayan ko na sya nang tawag. Sa daldal nang isang yon ay baka abutin kami nang umaga. Siguradong kung ano-ano lang ang sasabihin nun.
"Did he got mad at you?" Biglang tanong ni Autumn kaya napatingin ako sakanya.
"Huh?"
"Nagalit sya no? tsk. Sabi ko na dapat hindi na ako sumama—" Sabi nya at tarantang tumayo at maglalakad na sana nang pigilan ko sya sa braso nang saktong dadaan sya sa tabi ko.
"Where are you going?" Takang tanong ko sakanya
"Uuwi na." Sabi nya bago inalis ang hawak ko sakanya bago naglakad papuntang sala para kunin ang mga gamit nya kaya agad akong sumunod
"Hey.. Don't go home." Agad kong pigil sakanya. Paano nalang kung may gawin nanaman sakanya si Henry? Paano kung saktan nanaman sya nang gagong yun?
"I need to. Henry is—" Pinutol ko ang sasabihin nya gamit ang pagkuha nang bag nya mula sakanya bago naglakad paupo sa sofa. Then I dialled Henry's number from my phone.
"Hello?"
"Hey! It's me, Storme Lavier." Bati ko na syang ikinagulat nya
BINABASA MO ANG
What's this Between Us?
RomanceGxG Story (TeacherxStudent) A simple yet confusing love story between a Teacher and Student. Simple lang naman ang kwentong to. It's a journey of how beautiful life and love can be. Kung paano ka mag grow kapag tinamaan ka ni kupido. Na sa simpleng...