"Ma, bumili na ako ng gamot niyo po." Sabi ko sa kanya."'Wag niyo pong kakalimutan na uminom po kayo bago matulog. Pati po 'yung vitamins ninyo po ha?" Paalala ko sa kanya. Kakatapos ko lang maligo, papasok na ako sa call center.
Medyo pagod pa nga talaga ako dahil matapos akong ihatid nu'ng lalaking 'yun, dalawang oras nalang ang naitulog ko. Oo, lalaki. Hindi ko sinabi ang pangalan ko at hindi niya rin sinabi kung ano ang pangalan niya. Itinuro ko lang talaga ang daan papunta sa bahay. Wala na siyang nagawa nu'ng sinabi ko na i-uwi niya na ako.
See? Super nahihibang na siya. Gusto niya akong pakasalan pero pangalan ng isa't isa hindi mismo namin alam? Naka-droga ata 'yun e.
Buti nalang naniwala sa akin si mama na nauntog lang ako sa may poste sa school kaya ako may benda sa ulo. Alalang-alala kaya siya kanina pagdating ko.
"Tita, burger lang pag-uwi mo oh." Sabi ni Letlet sa akin. Pumasok siya ng kuwarto.
"Hindi ko maipapangako. Sarado pa kasi ang tindahan ng burger kapag dadaan ako kasi nga sobrang aga nu'n 'diba? Tulog pa ang tindera." Sabi ko sa kanya. Napakamot nalang siya ng ulo tapos may ibinulong. Akala niya siguro hindi ko narinig.
"Buti pa si Tito Julius araw-araw may pa-burger, nililibre pa ako ng malaking halo-halo sa Chowking." Sabi niya.
Jusko.
"Edi du'n ka sa so called Tito Julius mo humingi." Sabi ko sa kanya. Hindi niya naman na ako sinagot. Napabaling ako kay Mama. "'Yang apo niyo Ma, maki-Julius. Sasampalin ko na bunganga niyan." Inis na sabi ko. Pero hindi ko naman talaga kayang sampalin bunganga ng pamangkin ko.
Mahal na mahal ko kaya iyan kahit may saltik ang mga magulang.
Natawa lang si Mama. "Pabayaan mo na, nasanay kasi 'yan kay Julius. Mabait naman kasi iyong lalaking 'yun. Nasaan nga raw pala siya?" tanong ni Mama. Isa pa 'to.
Umismid lang ako at kinuha ko na 'yung maliit na bag ko na dinadala ko. "Nasa planeta ng may mga sayad." Sabi ko.
"Krizsella." Oo nga sabi ko nga.
"Nasa States po Ma, baka magpapakasal na sila nu'ng American fiancé niya." sabi ko pero labag sa loob at hindi ko pa rin talaga tanggap na iniwan ako ng gunggong na 'yun.
K fine. I still love him.
2 years din iyong relasyon namin tapos wala pa silang one year nu'ng americana na iyon e magpapakasal na sila. Samantalang ako 'yung unang pinangakuan. Sana mapako rin ang pangako ni Julius sa americana na iyon.
Buset.
"Eh ikaw? Kailan ka magpapakasal?" Tanong nito sa akin kaya medyo natigilan ako. Naalala ko kasi 'yung napag-usapan namin nu'ng lalaki na iyon.
I sighed. "Kapag ho gumaling na kayo. Puwede na akong magpakasal." Sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga rjn siya at lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Sesel, 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Okay lang kung hindi ko na magamot itong sakit ko. Gusto ko naman ng makita ulit ang kapatid mo. Babantayan ka namin sa itaas, sarili mo naman ang unahin mo. Tumatanda ka na." sabi niya sa akin. Pinigilan ko naman ang maluha.
"Ano ka ba Ma, 'wag ka magbiro ng ganiyan. Makakapaghintay pa naman 'yun sa langit. Mahilig maghintay 'yun, alam mo na hindi siya mainipin. Hindi ka pa puwedeng mawala. Puwedeng ako ang mauna 'wag lang ikaw." Sabi ko sa kanya.
"Krizsella Belinda, anak. Iyon ang hindi puwede." Sabi niya sa akin. "Masakit mawalan ng ina, pero 'nak, mas masakit 'yung mawalan ka ng anak. Sobrang sakit sa pakiramdam na ako mismo ang nagpalibing kay Zandra.Parang million-million na karayom ang nakatusok sa dibdib ko." biglang naiyak si Mama.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...