"Hoy, sabihin mo nga sa'kin, sino 'yung papakasalan mo dapat? Hindi ba siya kilala ng pamilya mo? Hindi man lang siya nabanggit nila Syn, na hey, 'diba may fiancé ka na na iba?"
I rolled my eyes. "Ang tanga mo naman..." sabi niya sa akin. "Sa tingin mo ba ipapakilala kita kung may kilala na silang iba na dapat na papakasalan ko talaga last month? Wala silang alam tungkol doon. Wala akong pinangalan.." Sabi niya.
"Ang galing mo naman, naitago mo pa sa mga kapatid mo." sabi ko nalang sa kanya. Kinindatan niya lang ako.
"'Wag mo na nga ulit akong kindatan. Nakakainis ka." sabi ko sa kanya at hinampas ko siya ng unan. Nanonood na naman siya ng nakakabagot na commercial nu'ng madatnan ko siya dito sa kuwarto namin.
"Tss, nagu-guwapuhan ka lang sa'kin e." mayabang na sabi nito.
Kapal.
"Hindi ah, ang pangit, pangit mo kaya." sabi ko pa. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ako? Pangit?" Nanunudyong tanong niya tapos bigla nalang siyang naglakad papalapit sa'kin. Hindi ko alam pero napatitig lang ako sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya na parang or medyo pamilyar. Pamilyar? Malamang, last month ko siya unang nakita tapos napatitig din ako sa mga mata niya noong nagkita kami, itim na itim nga ito.
Pero kahit na ganu'n ay nakaramdam pa rin ako ng kabog sa dibdib, na parang may parte sa akin na nagsasabi na may mali.
"Oo, pangit ka, kingina mo." sabi ko pa at akmang tatalikuran na lamang siya pero hinatak niya ako at nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. He kissed me passionately, wala na rin naman na akong nagawa, hindi ko rin naman nakayanan na itulak siya dahil gusto ko ang malalambot niyang labi sa labi ko na hindi ko naman itatanggi.
Napapikit ako ng aking mata. Hinalikan ko siya pabalik, Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa beywang ko at saka dahan-dahan niya akong inangat, nagsarili naman ang katawan ko. I wrapped my legs unto his waistline without breaking our kiss, that's getting deeper.
I held his jaw with my two hands and I made the kiss more intense. Alam ko na ang mga halik na iyon ay lalalim pa. Nag-iinit ang mga katawan namin habang nasa likod ko ang mga braso niya bilang suporta sa akin, nagiging magalaw ang kamay niya at ang aming mga dila na animo'y naghahangad pa ng mas higit pa roon. At nangyari nga, bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, ipinasok niya rin ang mga kamay niya sa damit ko, he's slowly unclasping my brassiere. I wanted him to stop but I can't. 'Yung maramdaman ko 'yung palad niya sa balat ko? Is so damn masarap sa pakiramdam, paano pa kaya kung may mangyari pa?
Marahan akong napaliyad at doon na nagdilat ang mga mata ko.
Natauhan ba.
Mali 'to.
I pushed him, bumaba ako sa sahig at saka tumakbo papalayo. Hindi na ako tumingin sa kanya, I felt embarrassed. Ewan ko, pero parang mali. Mali nga talaga 'yun! Hindi naman kami totoong couple pero bakit kailangang may ganu'n?
Bakit?!
Gosh.
"Krizsella!" tawag niya sa akin. Sinundan niya ako, naglalakad ako sa hagdan habang inaayos ulit 'yung bra ko na ginalaw niya.
"Putangina mo!" sigaw kong pabalik sa kanya.
"Hey, I'm sorry." sabi niya. Hinawakan niya ulit ako sa braso ko na dahilan para tumigil ako sa paglalakad. Nakababa na kami pareho sa hagdan.
"Ang kapal mo 'no?" Kunwari may inis sa boses ko. Pero ang totoo, hindi ako naiinis sa kanya, naiinis ako sa sarili ko dahil parang gusto ko pa, na gusto-gusto ko talaga 'yung ginawa niya. Nakakainis ng sobra.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
عاطفيةHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...