Chapter Twenty Eight

73 11 0
                                    

"Doctora Vergara said that you just need to rest."

Ni-relax ko lang ang sarili ko. May kung ano ang nakatakip sa mukha ko at alam ko na binago nila 'to. Lumipas ang dalawang araw at tinanggal nila ang benda sa mukha ko. Gusto ko nalang maluha nang makita ko ang bago kong mukha.

Ibang-iba ang itsura ko ngayon. Hindi ko man lang makilala ang sarili ko. Pero ngayong araw na 'to ㅡ isa lang talaga ang nasa isip ko.

Makikilala pa ba ako ni Billie?

Si Billie...

"Bakit, bakit iba ang kulay ng mga mata ko?" tanong ko kay Jessica. Siya ang doctor na nagligtas sa akin sa nangyaring sunog. Ibinaba ko ang hawak ko na salamin at nagtataka akong tumingin sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin. "Raphael, you've undergone an eye transplant. You need that, malala ang tama ng mga mata mo," Sabi niya sa'kin. Naaalala ko nga nu'ng una akong magising sa sobrang sakit at hapdi ng buong katawan ko ay hindi ko na rin talaga magamit ang kaliwang mata ko ㅡ nasunog din ito. Naiinis ako sa totoo lang. Ayaw ko magbago ng mukha dahil baka hindi ako maalala ni Billie.

But I have no choice, it's either Billie won't recognize me or Billie wouldn't want to come with me because I am ugly. Pareho lang din naman, magbabago rin ang mukha ko.

Actually, hindi naman ako ang nagplano talaga na magpa-retoke, si Jessica ang nagdecide. Until now, hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko kung nasaan kami o kung nasaan si Billie. She just kept on telling me to trust her. Sa totoo lang, almost a month na siguro ako sa lugar na 'to.

"Bakit mo ginagawa sa'kin ito?" I asked her, ngayon mas malinaw ko na siyang nakikita. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bago kong anyo pero kailangan ko rin malaman kung bakit ba niya ako tinutulungan. "Bakit mo 'ko tinutulungan, Jessica?" tanong ko ulit. Ayun 'din ang pinagtataka ko noong una palang, bakit niya ako tinutulungan? I'm sure marami na siyang nagastos sa akin ㅡ sa pagpapagamot ko.

"I am Jessica Mosley." sabi niya sa'kin at inilahad niya ang kamay niya sa'kin. Kahit medyo naguguluhan ay inabot ko nalang ang kamay niya. We shooked hands.

"Still, you didn't answer my question." sabi ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

"Bakit naman kita hindi tutulungan. We are blood related, that's why..." hindi ako kaagad nakasagot dahil pina-processed ko pa sa utak ko 'yung sinabi niya. Blood related? "Anyways, mamaya nandito na ang mommy mo." sabi niya pa.

"Wait, a-anong blood related? Na'san sila Mommy't Daddy? Alam ba nila na nandito ako? Pati si Rina, iyong kapatid ko?"  tinaasan niya ako ng kilay.

"Are you talking about your adoptive parents?" she asked. Napatango ako sa kan'ya. Alam ko na ampon lang talaga simula noong elementary pa lang ako. Pero hindi ko naman talaga naramdaman na ampon lang ako. "Oh, actually..." she paused.

"Did you already called them?" I asked. Baka nag-aalala na sila sa'kin. I'm sure nabalitaan nila 'yung nangyari sa hospital kahit na nasa Canada sila ngayon. Umuwi lang naman kasi talaga ako ng Pilipinas noong nalaman ko kay Rina na na-hospital daw pareho iyong magkambal.

Hindi naman tumutol sila Mama, nag-aalala pa nga sila kaya mabilis talaga akong pinaalis para i-check 'yung dalawa. Buntis pa naman si Nica nu'n.

And now, I'm hoping na buhay ang kambal. Sana naman nailigtas iyon ng lalaki na bigla nalang tumulong sa nursery room para tulungan ako. Parang Rence ata ang pangalan niya, narinig ko kasing isinigaw ni Billie 'yun.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon