"Tita..."
"Pero nakita mo ako, or kami?" I asked Jessica. Katulad nga ng sinabi sa akin ni Zale ay pinsan niya nga si Doctora. Sinabi rin sa'kin ni Doctora na magpinsan sila. I asked her how? I mean, magkaiba naman sila ng apilyedo.
Mosley si Zale at hindi siya Mosley, or hindi rin, wait. Hindi kaya middle name niya 'yun? Ba't hindi niya ginagamit? I mean if ever na nagpakasal siya or kasal na siya ㅡ parang hindi pa naman siya kasal noong nakilala ko siya. Ang gulo. Paaano??
Sinagot niya naman 'yun at sinabi niya sa'kin na nagpakasal nga raw siya tapos hindi niya na ginamit 'yung Mosley like Jessica Mosley - Laderazo. Just Jessica Laderazo ang pagkakakilala ko sa kanya. And then nalaman ko rin na magkapatid lang pala sila ni Tristan sa ina.
Tangina, akala ko kilalang-kilala ko na ang babaero na 'yun, hindi pa pala. 'Ni hindi man lang niya sa'kin nabanggit na half sister lang daw talaga sila ni Dra. Jessica, Tangina naman kasi, ang alam ko, Laderazo rin ang ginagamit na apilyedo ni Tristan. Hindi naman kasi ako nagtanong sa kanya kasi feeling ko that time, obvious naman na magkapatid sila so same apilyedo lang din sila.
Nakakainis, nakakainis.
Dapat din talaga marunong magtanong. Marunong naman ako magtanong ah. Bakit nga ako ng bakit.
Bakit kasi hindi ako nagtanong noon?
Kinumpirma rin sa akin ni Dra. na siya nga ang nagligtas kay Zale at kumuha kay Sarah kasi akala niya raw anak ni Zale si Sarah.
"Y-Yes..." napayuko siya. "I mean, I saw your bodies pero napuno na ng usok ang buong paligid. Hindi ko na nga nakuha 'yung isa sa kambal. Si Sarah lang. Akala ko kasi anak ni Zale 'yung kambal kasi I saw him sa nursery room na kinukuha 'yung dalawa. I'm aware na tatlo kayong nandu'n pero hindi ko naman nakita ang mga mukha niya kaya hindi rin kita nakilala. My Gosh, ang bobo ko." sabi niya pa. Nakikinig lang ako sa kan'ya at pina-process sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Pero don't get me wrong ha. Hindi ko naman kayo pinabayaan. I called the rescue and then after that we flew to States, minadali ko 'yun kasi nagkaroon ng third degree burn, pati 'yung left side ng mata niya." sabi niya pa.
Napabuntunghininga nalang ako at saka tumatango. "It's okay." As if I have a choice. "Sa present na tayo magfocus Dra."
She smiled at me. "Don't call me Doctora na. If you're the wife of my cousin then welcome to the family!" sabi niya pa. I wonder kung bakit hindi ko siya nakikita. Sabi niya naman kararating niya lang galing London, nandoon daw kasi ang pamilya at mga anak niya.
Hindi ko naman naiwasang maitanong kung kamusta na si Tristan, well sinagot niya naman. Sabi niya, nahanap na raw ang katapat ㅡ you know what I mean. And masaya naman ako para sa kan'ya. Mabuti 'yun, sana lang hindi niya saktan 'yung asawa niya ngayon.
Ang galing 'no, si Laxus din nagse-settle down na.
"May isa lang talagang problema sila Tristan eh. Nabaliw sa kan'ya, 'yung bestfriend mo...sino ba 'yun? Si, Candy?" natigilan naman ako nang marinig ko ang pangalan na 'yun. Hindi ko ine-expect na babanggitin niya ang pangalan ni Candy.
Candy was a friend of mine. Mas naging close kami kaysa sa mga naging kaibigan, hindi lang si Dextera ang naging kaibigan ko. Everytime na lilipat ako ng trabaho. Nagkakaroon ako ng kaibigan ko, mababait din kasi sila kaya hindi ko rin maiwasan na magtiwala sa kanila.
Nadala nalang ako nu'ng pumasok na ako sa call center naisip ko na sobra na, ayaw ko na ng kaibigan, dahil lahat sila binibigo ako. Qouta na nga ako eh.
Si Candy naman ay naging kaibigan ko noong nagtrabaho ako sa mall bilang saleslady. Saleslady din naman siya at naging close kami. That time, may relasyon na kami ni Tristan and, ayun isa siya sa mga naging babae ng ex ko. Punyawa kasi siya, nakakainis.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...