"SESEL, bilisan mo maraming costumer." sabi ni Ate Lena ang kasama ko na nagta-trabaho sa maliit na karinderya sa palengke. Hindi na ako sumagot at binilisan ko nalang ang pag-serve, pagkuha ng order, bayad at pagbibigay ng sukli.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang matanawan ko ang isang lalaki na nakatitig sa akin. Nagpaalam na muna tuloy ako sa amo ko at agad ko siyang nilapitan. "Anong ginagawa mo rito? Bakit gan'yan ka makatingin?" nagtataka kong tanong sa kan'ya. Alam ko na ako ang pakay niya dahil sa akin siya nakatingin, nakasuot pa siya ng school uniform niya na kung may distansya rito sa palengke. Sa tingin ko'y doon siya sa mamahaling university nag-aaral. Anong ginagawa niya rito?
"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong niya.
Bahagya pa siyang nakayuko at ako naman ay bahagya rin na nakatingala dahil mas matangkad talaga siya sa akin. "Sixteen, bakit mo naitanong?" tanong ko sa kanya.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Sixteen ka palang pero bakit wala ka sa school? You must be fourth-year highschool." sabi niya sa akin. Marahan naman akong natawa.
"Graduate na ako ng highschool." sabi ko nalang sa kan'ya. 'Yun naman talaga ang totoo. Graduate na kami ni Zandra ng highschool. Nabuntis siya, ilang linggo nalang ay magma-martsa na kami sa stage dahil sa pagtatapos, but obviously hindi kami um-attend ni Zandra dahil naglayas na kami.
"Then bakit hindi ka mag-college?" tanong niya sa'kin.
"Kasi ayaw ko?" Natatawa pang sabi ko sa kanya. Ito ang pangalawang beses na pagkikita namin ni Raphael. Hindi ko talaga ine-expect na makikita ko siya rito.
He furrowed. "Billie, right?" tumango naman ako.."Sumama ka sa'kin." Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hilahin.
"Hoy teka lang! Nakita mo, nagta-trabaho ako 'diba?!" I hissed. Pilit naman akong kumakawala sa kan'ya pero ang higpit ng hawak niya.
"I don't care." sabi niya sa'kin. "Hindi ka bagay du'n." natigilan naman ako at napabuntong-hininga nalang.
Alam ko na nu'ng una palang ay hindi ako bagay doon pero ayaw ko naman na paganahin ang pride ko. Hindi kami mapapakain ni Zandra nu'n. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko nalang. Hindi siya sumagot.
Sumakay kami sa kotse pagkatapos. Sinabi niya na sasakyan daw ng Daddy niya 'yun. May driver naman at naupo kaming dalawa sa backseat. "Bakit ka nagta-trabaho ru'n?" tanong niya sa'kin.
"Para mabuhay." Hindi ko alam kung bakit ba ako sumama sa kan'ya.
"Nasaan ang mama't papa mo?" tanong niya pa.
"Nasa bahay, pero wala rito. Naglayas ako." gusto ko nalang sapakin ang sarili ko. Bakit ko sa kan'ya sinabi ang bagay na 'yun.
"What? Bakit ka naglayas?" nilingon ko siya. Salubong na salubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. Napakaamo ng mukha niya, ang ganda rin ng mga mata niya.
"K-Kasi, tanga ako." tumawa pa ako. "'Wag mo ka na ngang tanong ng tanong diyan... Sana mo ba talaga ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.
"You'll see..."
xxx
"GIRLFRIEND mo?!" nanlalaki ang mata ng isang babae nang iharap ako nang ipakilala ako ni Raphael sa kan'ya. Mas nanlalaki naman ang mata ko.
"Ay! Hindi po, hindi po!" mabilis na sagot ko at umiling pa. Natawa naman si Raphael. Ito ang unang beses na narinig ko ang tawa niya. Ewan ko ba, may naramdaman ako sa dibdib ko na kakaiba.
16 years old palang ako at ayaw kong sabihin ang sarili ko mature na dahil hindi ko pa nakakalahati ang buhay dito sa mundo.
![](https://img.wattpad.com/cover/242973758-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...