Chapter Twenty Three

72 12 5
                                    

'Di ko talaga maintindihan kung bakit siya nagagalit noong sinagot ko ang mga tanong niya na kung ilan ba ang mga naging ex ko at kung minahal ko ba sila. Sinagot ko naman ng maayos at totoo kaya 'yung sinagot ko. Kaya bakit siya nagagalit?

Ang kapal kamo ng mukha. Hindi na ako pinansin pagdating namin ng bahay. Ako na nag-adjust kinagabihan, sa guestroom ako natulog pero hindi siya pumayag. Pinalabas niya ako du'n tapos pinabalik ng kuwarto namin, siya raw matutulog sa guestroom. Nagsisigawan pa nga kami kagabi.

"Ba't ba ayaw mo 'kong kausapin?!"

"I'm talking to you!"

"Ulol! Bahala ka sa life mo! Gago ka! Hiwalay na tayo!"

Narinig 'yun nila Ligaya kaya nagulat sila. Napikon din ako sa kanya e. Kinausap pa nga ako ni Manang Talya na normal lang daw 'yun. Hindi pa rin naman ako kinausap ni Zale hanggang sa makatulog kami kahit na sinabihan ko siya na maghiwalay na kami.

Haha, ang tanga ko. Bakit kami maghihiwalay e wala naman talagang kami. Sabi ko nga, business partners lang kami 'diba? Bakit naman parang masakit na naman?

Oh 'diba? Paminsan-minsan siya talaga 'yung tinotopak. Bahala siya, hindi ko siya susuyuin. Kung ayaw niya akong kausap edi 'wag. Pero siya iyong hindi nakatiis, paggising ko kina-umagahan nakayakap na siya sa akin.

"Bakit kailangang um-akto ka pa rin na real couple kahit wala namang tao sa paligid?" I asked. Nakapikit pa siya pero alam ko na gising na siya.

Sa ilang buwan na magkasama kaming dalawa ay alam ko kung tulog siya o gising pa. Base sa paghinga niya, saulo ko na.

Hindi siya sumagot kaya marahang siniko ko siya pagkatapos ay inalis ko ang braso niya sa akin pero agad niya 'yung binalik kaya napangiwi ako. "Mahal kita." sabi niya.

Kumabog kaagad ang dibdib ko nang sabihin mo 'yan. "At saka puwede ba, stop saying that when no one is around. Kasi baka maniwala ako." sabi ko na naman. Napabuntong-hininga lang siya.

"Then, maniwala ka. I love you, I really do. You're mine, you are always mine, understand?" banat niya sa akin na ikinangiwi ko.

"Zale naman..."  I whined. "Joke lang 'yan 'diba?" I asked. Hinalikan niya ako sa noo ko and then he opened his eyes. He smiled at me.

"I'm sorry..." he said. "This isn't a joke..." he caress my hair.

"'Wag ka naman magbiro ng ganiyan." sabi ko sa kanya. He shooked his head.

"Let's just sleep." sabi niya , hinalikan niya ulit ako sa noo at pumikit ulit siya para matulog. Ako naman ay napanganga nalang at matagal na napatulala ㅡ sa mismong painting na ako ang naka-drawing. Hindi na ako natulog, siya nakatulog pa. Dahan-dahan nalang akong bumangon pagkatapos ay lumabas ako ng silid namin.

Hindi na kasi ako mapakali. Napapaisip na ako sa mga sinabi niya. Mahal niya na talaga ako? Eh sino 'yung Tita ni Sarah? Imposible naman na ako 'yun.

Hindi...Hindi...

Ang magandang gawin ko ngayon ay 'wag na munang maniwala sa mga sinasabi niya pero nakakainis. Para kasing may umaasa sa loob ko. Nakakainis! Nakakainis!  Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nana. Siya 'yung kaibigan ni Zale na isa sa mga kasama namin sa simbahan noong kinasal kaming dalawa ni Zale. Magkaibigan na rin naman kaming dalawa.

Gising naman na siguro siya kasi nine o'clock na. "Hi, bessy, Good morning!" masayang bati niya sa'kin.

I bit my lower lip. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ang tinawagan ko, ano naman ang maitutulong niya sa problema ko?

Wait, ano nga bang problema ko? Baka wala naman talagang problema, gumagawa ng sariling problema ang utak ko.

Natatakot kasi ako. "Nana, what if may umamin saiyo na mahal ka niya ngayon...yes, ngayon mismo. Maniniwala ka ba?" I asked. Bigla siyang natawa.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon