"Zale Mosley...sabi mo, four years ka palang nagiging Mosley 'diba? Zale na talaga pangalan mo?" tanong ko sa kanya.Napaisip lang kasi talaga ako. Katunog 'yun sa pangalan ni Zael, ibig bang sabihin Zale na rin talaga ang pangalan niya or meron pang iba? Unless... "Si Zael din ba kasama mong nahiwalay sa mga Mosley?" Napakunot ang noo niya sa akin.
"Why are you asking me that?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw mong sagutin? Edi 'wag. Ikaw maghugas ng plato ha, 'wag 'yung puro kasambahay nalang. Sungalngalin kita diyan." inis na sabi ko. Gusto ko lang naman talaga malaman e.
Naku-curious lang kasi talaga ako. "Fine." sabi niya, "...I'll wash the dishes." sabi pa niya.
Napasimangot naman ako. Akala ko, sasagutin niya ang tanong ko. Yaan na nga.
Mag-iisang buwan na ako rito, magtatatlong buwan na rin kaming magkasama. Dumadalaw naman ako kina Mama once a week at twice a week naman sa Mommy ni Zale.
Sa totoo lang, naging masaya naman ako. Kasi mababait naman sila, tapos hindi talaga ako nakaranas ng pagtitiis ng sobra. Nagtitiis pa rin naman ako lalo na pagdating sa bunso niyang kapatid na si Syn, hindi pa rin ako nu'n gusto hanggang ngayon. Iniirap-irapan lang ako nu'n, pero hindi na siya lumalapit sa akin para kausapin ako o sabihan ng masasakit na salita.
Mabuti na rin 'yun, siguro dahil nu'ng kinausap siya ni Mommy.
So ayun, napag-usapan namin ni Mommy ang trabaho ko, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi ni Mommy Mosley na kay Zale ako magtrabaho para kasama ko raw siya palagi.
Siyempre, talagang sinunod ko si Mommy.
Yes, mommy na talaga ang tawag ko sa kanya. Mommy na raw e ㅡ medyo nasasanay na nga ako.
And masaya ako sa piling ni Zale kahit na panay niya akong hinahalikan. Nasasanay na nga talaga ako, gusto kong iwasan pero mahirap. Mag-iisang buwan niya na akong personal assistant at hindi na ako nagta-trabaho sa call center. At about naman du'n sa pangako ko kay Ate Jena. Natupad iyon, si Madam kasi nagpa-utang sa'kin. Nagulat ako kasi buo 'yun tapos hindi niya na sa akin pinabayaran.
Tinanong ko si Zale kung may alam about du'n. Ako pa iyong pinagalitan ng gago. Bakit kailangan ko pa raw na mangutang? Pinaliwanag ko naman. Nagtataka rin ako kung bakit hindi na talaga sa akin pinabayaran ni Madam.
Dahil ng PA na ako ni Zale till now, Lagi na kaming magkasama ni araw-araw.
Ang nakakatawa lang dahil sabi niya hindi niya naman daw talaga ako uutos-utusan ang mahalaga raw ay kasama niya ako. Kaya kadalasan siya inuutos-utusan ko. Pero may limit naman 'yun kasi sumusunod talaga sa akin ang gago.
Siyempre, hindi ako naniwala na totoo 'yung napakahalaga na kasama niya ako, pa-fall talaga siya. Pero hindi ko maiwasang kiligin everytime na may sasabihin siya ㅡ kahit kasi wala naman kami sa harap ng pamilya niya or mga tao, binabanat-banatan niya ako tapos ang sweet niya pa. Minsan umiiwas talaga ako. Pero wala naman nangyayari sa amin, hanggang kiss lang kami at hindi na naulit 'yung dati..
I asked him kung may babae pa siya. Sa tinagal-tagal ko ba naman sa mundo, malamang aware ako na he have needs. But he answered me no. Wala raw, ako lang daw babae sa buhay niya. Sinuntok ko siya. Kasi kalokohan iyon, paanong ako lang ang babae sa buhay niya e may fiancé siya 'diba bago niya ako pinakasalan?
I sighed. Pero ayaw kong itanggi na parang...parang may nararamdaman na rin ako na kakaiba sa kanya. I pouted my lips.
Kung ako tatanungin, ayaw ko nang magmahal pa ulit. Ayaw ko ng masaktan. Kailangan ko lang talagang tratuhin siya as my boybestfriend . Bilang napakatalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...