SC : Found you

75 10 0
                                    

LABING-APAT na taon na ang nakakalipas. Ano bang meron sa mundo? Nasaan ka na ba?

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. "Bakit ka umiiyak?" hindi ko napansin na may katabi na pala ako. Napalingon ako at nakita ko si Roanna or mas kilala bilang Nana. Nakilala ko siya sa Los Angeles, nag-aral din siya ng culinary pero hindi niya naman natapos. Kasi nagdecide na siya na umuwi ng Pilipinas at mag-aral ulit ng business ad.

Nagkita ulit kami nong ako naman ang umuwi ng Pilipinas. Pinakilala niya sa'kin ang kaibigan niya na si Bridgette at naging magkaibigan din talaga kami. Ilang taon na kaming magkakaibigan.

Closed friends. "Tungkol ulit ito kay Billie?" tanong niya sa akin. Napapunas ako ng luha ko at pilit na ngumiti. She knew my story.

"Yeah. Nasa'n na kaya siya?" tanong ko nalang. Nakatingala pa ako sa langit. Nasa labas kasi kami ng beach resort. Nag-outing kaming magka-kaibigan kasama si Julius. Problematic ngayon si Julius kaya hindi ko man lang makausap ng matino. Malamang hindi niya pa rin matanggap na wala siyang ibang choice kundi ang magpakasal sa babaeng hindi niya naman mahal.

Sabi nila, mahal pa rin daw nito 'yung ex niya. Ang kaso nga lang daw ay hindi gusto ni Tita Mina ang babae na 'yun para kay Julius.

"Alam mo tol, 'wag mo hanapin. Kasi nga 'diba, kung kailan hindi na hinahanap tsaka naman lilitaw." tin-ap niya pa ang balikat ko. May point naman siya,

"Sa tingin mo, buhay pa siya? Sinasabi kasi ni Mommy Cha, patay na siya." parang may kirot na naman sa dibdib ko.

Napakibit-balikat siya. "Zale, kung wala ka namang nakikitang bangkay or hindi mo naman nakita ang pangalan nila sa memorial dahil sa aksidente 'diba? Edi they're alive." Sabi nito. Bumalik kasi ako sa lugar kung sa'n nangyari ang aksidente. Wala akong nakita o nahanap na Belinda Moralez doon. Pero nakita ko na namatay sina Zandra, Zeki at Zeya.

Nu'ng mga oras na 'yun, alam ko na baka naisip nila na patay na si Zeya. Buhay pa siya. Nasa amin siya.

Nang makauwi kami sa bahay ay nagulat ako sa biglaang tawag ni Mommy Mia. Galit na galit ang boses nito. Nasa ibang bansa kasi siya at doon na muna namamalagi habang nandito ako't kasama ang biological father ko na mina-manage ang company.

"Gusto ko nang magka-apo!" sigaw niya sa'kin. Napangiwi ako at nailayo kaagad ang telepono sa tenga ko.

"Mom! Lower down your voice, okay?"

"Kailan ka ba magkaka-girlfriend?" here we go again. Palagi niya sa'kin sinasabi na magpakasal na ako. And yes, nakukulitan na talaga ako sa kan'ya. Lahat ng tao sa paligid ko'y may nirereto. Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya. Sabi pa nga niya pakasalanan ko nalang daw si Nana.

Tss.

"Kapag nahanap ko na si Billie." Narinig ko naman siya na bulong ng bulong ng sama ng loob. "Hey Mom, I tried to date someone but I still love her." sabi ko sa kan'ya.

"Heh, gusto kong makita ang apo ko bago ako mamatay!" bakit niya ba sinasabi palagi na malapit na siyang mamatay.

"Mommy, hindi ka pa mamatay, okay?" sabi ko sa kanya. "Fine, I promise you, bukas magpapakasal na ako." hindi ko maintindihan kung bakit ko nasabi 'yun sa kanya.

"Okay! That's good! Siguraduhin mo lang! I love you, 'nak!" sabi nito. "Nakita ko kanina ang bruhilda mong Tita, pinagsasapak ko siya. Atleast nakaganti ako sa paglayo niya saiyo sa akin." sabi niya. Natawa naman talaga ako.

Nag-usap pa kami at na-realized ko na parang may mali akong nasabi. Tangina?! Saan naman ako pupulot ng taong papakasalan ko?!

xxx

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon