Nakaramdam ako ng matinding kaba. Ano ito, bago sumikat ang araw kasal na talaga ako? Wala na, okay na. Napirmahan ko na 'yung contract namin at wala na talagang atrasan ito.
Akala ko ba hindi ako papayag? Pero bakit andito na ito? Huhu.
"Sinong mga nandoon, sinong naghihintay?" I asked. Nagda-drive na siya. Buwiset na ito, hihiramin daw ako sa opisina for a while. For a while lang pala ha.
Mukhang hindi na ako makakabalik. "Iyong pari tapos 'yung dalawa kong cousin for witness." Sabi niya.
Pari? Oh my God! Paano niya napapayag na magdaos ng kasal sa ganitong oras? Tsaka, okay lang ba na ganito ang suot ko? Hindi man lang naka-wedding gown.
Krizsella, just go with the flow, sabi ko nalang sa sarili ko.
"What? Alam ng dalawang pinsan mo na hindi naman talaga tayo legal?" I asked.
"Tanga, legal iyong magiging kasal natin. We are legal." Sabi niya.
Makatanga naman ito.
"No, I mean. Palabas lang naman ito 'diba?" I asked. Napailing siya. "I'm not talking about the kasal. 'Yung about sa ating dalawa."
"They didn't know anything about that. Ang alam nila, ikaw 'yung babaeng mahal ko tapos magpapakasal tayo. Pero alam nila na nagsinungaling ako kay Mama na kasal na ako so I really need to marry you." sabi niya.
"Pero hindi mo gusto. K fine." Tumingin ako sa labas. Medyo nilalamig ako kahit naka-blazer ako pero hindi na ako nagpahalata.
He snorted. "'Diba sabi ko, ikaw gusto kong pakasalan." sabi niya. "Ang bobo mo." sabi niya.
Actually, siya lang 'yung lalaki na alam ko na anak ng CEO na medyo maginoo pero may pagkabastos. See? Bobo raw ako, tapos tanga rin daw ako. Jusko, may similarities din talaga kami.
Iniisip ko pa rin talaga kung ano itong pinasok ko pero wala na talaga itong atrasan.
"Talaga, bobo ako? Mas bobo ka." sabi ko. "Anak ka ba talaga ng CEO?" I asked. Narinig ko lang naman kasi iyon kay Madam kanina nga 'diba.
"Yeah." sabi niya. Naghihintay pa ako ng sasabihin niya pero wala na siyang sinabi. Hindi man lang siya magku-kuwento?
"Wala kang balak na iinform ako sa buhay mo? Hello? Magiging asawa na kita." sabi ko sa kanya. Sakto naman ay tinigil niya ang kasal. Nang mapatingin ako sa labas ay nasa simbahan kami. I grimaced.
Talagang pari ang magkakasal sa amin?
"Later, sa honeymoon. Let's go." Ngumisi siya tapos kumindat pa siya sa akin. Lalo akong kinabahan at napanganga lang. H-Honeymoon? Tangina?
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Inalalayan niya pa akong makababa at hindi niya na binitawan ang kamay ko.
"Simbahan?" I winced. Tumango-tango siya.
"Yes, they're inside." Sabi niya. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa simbahan. "Act like we are really in love with each other." Bulong niya nang makapasok na kami sa simbahan. Ang liwa-liwanag sa loob at nakita ko na 'yung sa dulo ng aisle. Pati rin 'yung apat na tao na nandu'n. So lima lang sila na nasa loob ng simbahan.
"'Yung dalawa sa may left side, pinsan ko sila." sabi niya. Habang naglalakad kami papalapit sa kanila ay napansin na nila kami kaya napunta sa amin ang atensyon nilang lahat. Nakaramdam naman ako ng familiarity doon sa isa sa dalawa na nasa kaliwang parte raw. Wala sa sariling napalunok ako.
Habang papalapit kami ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "You okay? Namamasa 'yung kamay mo." Bulong niya sa akin. "Nasa simbahan ka, 'wag ka matakot, you are safe here." Umismid pa siya.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomantizmHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...