"Wow, Iphone 5?"
Narinig kong tanong ng ka-officemates ko na si Aida. Siya rin 'yung isa sa nagsabi na mahiyain daw ako. "Wow, magkano bili mo diyan?" tanong naman nu'ng isa.
Lunch break namin sa office. Tahimik lang din ako habang kumakain at nagdadaldalan sila as always pero siyempre. Hindi ko maiwasan na marinig kung ano ba 'yung topic nila.
"Secret." Nakangising sabi naman nu'ng isa pang babae.
"Saan mo binili?"
"Online ko binili 'yan, nakipag-meet up ako sa seller kaninang umaga." sabi ng may bagong cp.
"Ay beh, sure ka bang maganda ang quality niyan?" tanong nito.
"Oo, tinry ko na muna 'to bago siya umalis, wala naman siyang sira. So okay na rin." sabi pa nito. Nag-kuwentuhan naman sila.
Natapos ang lunch break namin. Pang-gabi pa rin naman ako sa trabaho ko.
Hindi ko pa rin maiwasan na isipin iyong pagpunta ni Zael sa bahay kanina, no, scratch that, kahapon pala. Ala una na ng madaling araw e so kahapon pa talaga 'yun.
Bakit nga ba talaga ako ang napili niya? Dahil gusto niya lang? Hindi niya ako mako-convince doon. Malaki talaga ang part sa'kin na malaman ang reason niya, hindi nga kasi ako kumbinsido. Eh what if malaman ko na ang real reason niya? Papayag na ba ako sa gusto niyang mangyari? Siyempre hindi pa rin.
Pero bakit nga kasi ako?
Nang makabalik kami sa trabaho ay hiniling ko na bumilis ang oras na palagi ko naman hinihiling kahit noong unang araw palang ako rito.
"Krizsell, oh my gosh." bigla nalang lumapit sa akin ang ka-officemates ko na naririnig ko na tinatawag na Angie. Napalingon ako sa kanya. Hinatak niya 'yung isang office chair at saka tumabi sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko. Para kasing surprise na surprise siya. Nanlalaki ang mga mata niya at ang lawak ng ngisi niya.
"Oh my Gosh, you didn't told me that you are close with my Zale!" sabi niya na agad na ikinakunot ng noo ko.
Zale as in 'yung nagsasabi na pumayag ako na magpakasal sa kanya for temporary?
"Ha?" Kunwari hindi ko pa na-ge-gets. Pero ang totoo gets ko na talaga kung sino at ano ang tinutukoy niya. Pero paano? I mean paano niya nalaman? Isa lang ang idea na nako-conclude ko.
"Anong ha?! He's here! Hinahanap ka! And you're the wife pala ha! Ang tahimik mo lang talaga hindi ka nagkukuwento na ikaw pala 'yung asawa niya! Matagal ko ng hinihintay na i-reveal kung sino ang Mrs. Mosley. Tapos nakakasalamuha ko lang pala araw-araw? Gosh! Gosh!" She exclaimed. Napanganga naman ako. Ibig sabihin matagal ng alam ng mga nakakakilala sa kan'ya na may asawa siya pero jindi pa nipapakilala?
"Nandito siya, asan?" tanong ko. Tangina nanggigil ako. Ibig sabihin lang nito ay sinabi niya na ako ang asawa niya kahit hindi naman. Hindi ko gagamitin ang salitang 'pa' kasi hindi naman kami magpapakasal.
"Nandoon, kausap ni Madam!" sabi niya at itinuro ang direksyon. Ang tinutukoy niyang madam ay 'yung head department namin. Madam kasi ang tawag sa kanya ng lahat kasi bukod sa mataas posisyon niya sa amin ay Madam talaga ang pangalan niya.
Tumayo ako at akmang iiwan siya pero pinigilan niya ako. Napatayo nalang din ako.
Buwiset. Kilalang tao ba iyang Zale na 'yan? Ba't hindi ko kilala, nakilala ko lang noong nagpakilala siya sa akin? Bakit katulad ba siya ni Julius na masyadong famous worldwide?
Tsk.
"Hoy, teka lang! Ikaw nga ba talaga ang asawa ㅡ" I cut her off.
"Hindi." Walang emosyon na sabi ko. Natigilan naman siya. Binawi ko ang kamay ko at iniwan ko na siya.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomansaHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...