Chapter Thirteen

78 13 0
                                    

"Buwiset 'to."

I mumbled. Nagising kasi ako na nakapalupot ang mga braso niya sa akin, literal kasi kaming magkatabi talaga. Pakiramdam ko nga totoo na mag-asawa talaga kami. Well, totoo naman talaga na mag-asawa na kami but what I mean is iyong magkarelasyon na talaga kaming dalawa.

Like 'yung, may involve na na love sa aming dalawa. Inalis ko 'yung braso niya sa'kin tapos inilibot ko ang paningin ko sa paligid upang maghanap ng wall clock pero 'yung painting  ng mukha ko kaagad ang napansin ko.

Saan naman kaya nahukay ito ni Zale? Never akong nagpost sa social medias. Lol. Wala nga pala akong kahit isang account. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganu'n at ayaw ko lang talaga. Or baka naman si Achiles ang nagpost niyan. Ewan, malay ko.

About naman kay Achiles, siya 'yung naging boyfriend ko noong nasa 25 years old ako. Alam ko na 25 ako nu'n at naalala ko pa talaga dahil naging official kam noong 25th birthday ko. Tumagal naman ang relasyon namin ng anim na buwan. Wala e, masyado akong nagtiwala sa mabubulaklak niyang salita. Iyon pala manloloko lang pala.

Tangina, rebound lang naman pala ko. Ouch ha. Pero move on naman na talaga ako sa kanya. Nakakainis siya sobra.

Kung bibilangin ko ang mga naging ex ko siguro lagpas na ring sampu. Hindi ko kasi mapigilan na maniwala sa mga pangako't kung ano-ano pa. Hindi na ako natuto. Hindi naman ako palaging natututo kaya nakakainis talaga.

Madali nila akong nakukuha kahit na pilitin kong magmatigas. Katulad na lang ng nangyayari ngayon. Kasal na ako kaagad. Sinasabi ko na nga ba na kapag sumakay ako sa kotse niya ay magbabago na ang lahat. Umiwas naman ako ah pero parang gumawa ng paraan para makasakay pa rin ako.

Parang tadhana talaga na mangyari ito.

Naaaninag ko naman 'yung painting kasi nakatapat doon 'yung lampshade. Para sa'kin, hindi naman ako kaganda pero kadalasan or karamihan sa kanila ay maganda raw ako. Marami na rin na nag-offer sa'kin na magmodel ako at isa na roon si Julius.

Pero hindi ako pumayag dahil nga hindi ko kayang magsuot ng super revealing clothes. Hindi ko kaya, so ayaw ko talaga kahit na medyo may kataasan iyong magiging sahod ko.

I sighed. Napatingin ako sa may bedside table at nakakita ako ng orasan doon. Nagsasabi na alas kuwatro na ng madaling araw. Binilang ko naman ang oras ng tulog ko. 11.12.01.02.03.04. Ah anim na oras lang? okay lang. Not bad kasi minsan dalawa hanggang apat lang ang tulog ko, minsan nga wala pa.

Nagpasya ako na iwan na roon si Zale sa kuwarto namin . Geez. Medyo nakaka-ano naman sabihin 'yung  'namin', feeling ko naman tuloy, paran ano...ano...basta, 'di ko mapaliwanag. Meron ding humahaplos sa puso ko.

Pumunta nalang ako ng kusina. Naisip ko na magluto ng noodles. Para kasing gusto kong kumain ng noodles. Bakit ganu'n 'no? kahit araw-araw ako nagno-noodles, hindi pa rin ako nagsasawa. Siguro nga dahil sanay na ako tapos naging favorite food ko na rin talaga iyong noodles.

Pero siyempre, hinanap ko iyong kusina, pero buti nalang hindi ako nahirapan na hanapin. Naghanap kaagad ako ng noodles. Okay lang siguro na mangialam ako dito sa mga pagkain na nandito. Tinuloy ko pa rin ang balak ko kahit na medyo kinakabahan ako. Hindi ko masyadong gamay ang kusina rito pero pinilit ko pa rin na magpakulo ng tubig para sa coffee and noodles ko.

"Ma'am Krizsella?" Medyo nagulat ako nang biglang may magsalita. Paglingon ko ay nakita ko ang hindi pamilyar na mukha. Si Manang Talya lang kasi 'yung pinakilala sa'kin ni Zale kagabi. Pero ang sabi naman sa'kin ni Zale ay dalawa iyong makakasama namin dito.

At maaaring siya na 'yung isa.

"Uhm, hi. Good morning." ngumiti ako sa kanya at nagwave. Ngumiti rin siya sa akin at lumapit. Medyo bata pa ang itsura niya at parang ka-edad ko nga lang din siya.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon