"Si Z-Zandra?"
Maluha-luhang tanong ko sa mama ko. Oo, si mama siya, pagbukas na pagbukas ko ng mga mata ko ay siya kaagad ang nakita ko. Umiiyak din siya at may hawak-hawak na panyo.
"Salamat sa Diyos at gising ka na..." Humahagulhol na sabi nito at niyakap ako. Nakahiga pa rin ako, inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Mama at saka pinilit na bumangon pero pinigilan niya ako. Nakaramdan din ako ng kirot sa may parteng likod ko at nanghihina ako. Pinipilit ko lang talaga, matapos kong maalala ang lahat.
"S-Si Zandra?" Ulit kong tanong sa kanya. Hagulhol lang ang sinasagot niya. "M-Ma, si Zandra? 'Yung mga anak niya?" tanong ko sa kanya. Inilibot ko naman ang paningin ko at napansin ko na nasa hospital kami. Hindi na ako magdududa dahil sa ginawa ng tinuring kong malapit na kaibigan. Kaming dalawa lang din ni Mama ang tao rito. Hindi ko na rin aalamin kung paano nila nalaman na may nangyari sa aming magkakapatid at kagagawan ng isang baliw.
"A-Anak, s-sorry..." humahagulhol pa rin na sabi niya.
"M-Ma, anong sorry? Nasaan si Zandra?" Tanong ko sa kanya. Kung akong nasaksak ay buhay pa, paano pa kaya siya?
Ngayon, nagdarasal ako na sana nasa maayos siya at ang kambal niya. Hindi ko mapapatawad si Dextera at ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanila.
"N-Nasa, k-kabilang silid." sabi niya na ikinaluwag ng dibdib ko. Ibig sabihin noon ay ligtas siya.
"E-Eh i-iyong m-mga a-anak niya?" I asked. Napatango-tango si Mama, tumutulo pa rin ang mga luha niya.
"Maayos n-naman ang lagay nila," hindi ko maiwasang mapangiti. Ibig sabihin ay nakapanganak na si Zandra. "Premature baby 'yung kambal, Sel." sabi niya. Oo nga naman dahil hindi pa naman talaga ngayong buwan ang kapanganakan niya.
"Mabuti naman..." Sabi ko at saka nag-iwas ng tingin. Hindi ako galit sa mama ko o sa papa ko. Sadyang nakaramdam ako ng ilang ngayong nandito si Mama. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita at nakasama at saka may kasalanan pa ako sa kanya at hindi pa ako nakahingi ng tawad sa mga nasabi ko.
"Sesel..." Tinawag niya ang pangalan ko. "B-Bakit k-kayo umalis ng k-kapatid mo?" Mabilis akong sumagot sa kanya.
"Pinalayas mo ako diba..." sagot ko. Nagpunas na muna siya ng mga luha niya bago sumagot sa akin.
"Alam mo naman na galit lang ang Papa mo nu'n e. Ilang buwan namin kayong pinaghahanap. Halos hindi na kami magkanda-ugaga ng ama mo, tapos malalaman namin na nandito lang pala kayo sa lugar na ito? Eh ilang beses kaming nagpabalik-balik sa bayan na ito." Sabi niya.
"Pasensya na ho kayo." sabi ko. "Umalis din talaga ako ng bahay dahil pakiramdam ko magiging pabigat ako. Aaminin ko, nabigla lang ako, s-sa mga unang linggo ko na nahiwalay sainyo, iniisip ko, dapat hindi nalang ako umalis pero kailangan kong panindigan 'yun, Ma. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko sa buhay." sabi ko sa kanya.
"Sesel..."
"Ganoon rin si Zandra, alam ko na naging mas mahirap sa kan'ya ito dahil sa sitwasyon niya. Buntis siya. Ilang beses ko na siyang pinapa-uwi pero ayaw niya, kilala mo naman 'yun si Zandra. Ako natututo pa lang na panindigan 'yung mga desisyon, siya'y talagang may paninindigan." dugtong ko pa habang umiiyak na rin. Niyakap nalang din ako ni Mama.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...