Si Tita Cha ay nanay ni Raprap. Naguguluhan ako, bakit ganito? Bakit kailangang maguluhan ng ganito?
"A-Ano h-ho..." Hindi ko talaga inaasahan ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lahat ng nangyari noon ay nagflashback sa akin. Simula nang iwan ako ng kakambal ko at ni Raprap ㅡlahat 'yun nagflashback sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon na nasa harap ko siya, naghahalo-halo ang mga emosyon ko at hindi ko rin talaga ako makapag-isip ng maayos. Tumakbo ako papalayo.
Alam ko na nagmukha akong tanga pero wala akong paki dahil sanay na ako na maging isang tanga. Tumutulo ang mga luha ko, takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin at kung saan ako pupunta.
Again, sobrang liit ng mundo.
Nu'ng araw na binisita ako ni Raprap at sinabi niya na hinding-hindi niya ako iiwan at ako lang ang mamahalin niya ay biglang lumindol.
Yep, 'yun ang nangyari, and hate na hate ko talaga ang mga natural disaster dahil doon nawala ang pinakamamahal kong kapatid, nawalan ako ng pinakamalapit na kaibigan, si Zandra Cronica ㅡ nami-miss ko na siya.
Lumindol pero mabilis lang ang paglindol na 'yun, kumalma kaagad ang paligid...kaya lang. Nagkaroon ng short-circuit sa loob ng hospital, nasa labas kami ni Raprap noong time na 'yun, nagkaroon ng sunog.
Ang lakas ng kaba ko nu'n kasi 'yung parte ng hospital na nasusunog ay kung saan naroon ang kapatid ko. Nagpumilit akong pumasok sa loob ng hospital kahit na ayaw ni Raprap dahil siya nalang daw ang papasok. Ayaw pa kaming papasukin ng mga guwardiya dahil delikado raw. Lumaganap na kasi ang apoy pero kailangan.
Nagsidatingan na ang mga rescue team pero tuloy-tuloy pa rin kami. Ang goal ko noon ay mahanap si Zandra at ang kambal niya, pati sila Mama para mailabas sila sa nasusunog na gusali.
Nakarating naman kami sa palapag na 'yun ni Raprap na magkahawak ang kamay.. Ang una naming pinuntahan ay 'yung room ni Zandra, marami kaming taong nasalubong na mga tao na natatarantang lumabas ng hospital. Habang kami naman ni Raprap ay pinili lang na maging kalmado.
Kailangan namin na masiguro na ligtas sila Mama na nasa loob at si Zandra. Napatakip na rin kami ng ilong noon dahil sa usok. Nagpapasalamat ako sa Diyos noon dahil nakita ko si Papa na akay-akay si Zandra na iyak ng iyak at sumisigaw dahil 'yung kambal niya ay nursery room pa rin.
Ginawa ko kung ano ang sa tingin ko'y tama...
Bumitaw ako kay Raprap na araw-araw kong pagsisihan. Tumakbo ako papunta sa nursery room para puntahan ang kambal kahit na ang kapal-kapal na ng usok. Hindi ko naman alam na sumunod sa akin si Raprap at sinabi niya na nababaliw na ako, siguro nga sobrang nababaliw talaga ako. I told him that we need to save the babies. Kasi, hindi kami puwedeng umasa sa mga doctor noon dahil pati sila'y nagpapanic na rin. Baka nga sila pa ang naunang nakalabas ng building e.
And tama ang naisip ko noon na baka nandoon pa nga ang kambal. Nasa incubator sila that time pero kailangan namin silang malabas. Sumisigaw na ako noon ng tulong. Kabang-kaba ako dahil bigla kaming napalibutan ng apoy. Nagdecide si Raprap noon na siya nalang ang papasok ng nursery room. Kaya niya raw 'yun. Medyo nagulat pa ako noong bigla niya akong halikan sa labi ko. Gusto kong sumama sa loob pero humindi siya sa akin. Sumigaw lang daw ako ng 'tulong' hanggang sa mawalan ako ng boses. Hindi ko makakalimutan 'yung pagbibiro niya noon.
Nang makapasok siya ay nakarating siya kung nasaan ang dalawa kong pamangkin. Kailangan niya ng tulong sa loob noon kaya papasok sana ako pero bigla nalang may humila sa braso ko at nakita ko noon si Rence. Hindi ko noon maintindihan kung bakit siya nandoon dahil sa pagkakaalam ko ay wala na siya bansa. Hindi ko na kailangang problemahin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/242973758-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomantiekHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...