Bakit?
"Bakit ka umiiyak?" nagtataka kong tanong.
Nagpunas naman siya ng mga luha niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya, kahit kailan talaga... ang ganda niya.
Pati ako na-i-inlove sa kagandahan niya. Napaismid naman ako sa isipin na 'yon. Tingin kaya ako sa salamin at ma-inlove na lang sa sarili ko dahil halos magkamukha naman kami ng babae na ito. Aaminin ko na mas maganda nga lang siya.
"K-Krizsel..." Nakangiti pero tumutulo ang luha niya. Hindi ko naman maiwasan na mag-alala sa kan'ya.
"Zandra, bakit?" Hinawakan ko siya sa kamay niya at tumabi sa kan'ya sa bench. Nasa school pa rin kami at uwian pa lang ng mga highschool student na katulad namin.
"N-Natatakot ako..." hagulhol niya. Nagsimula na siyang humagulhol pero pilit niyang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi niya.
"Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo? Masakit ba ang ngipin mo?" tanong ko sa kan'ya. Umiling-iling siya tapos niyakap ako nang mahigpit. Sa balikat ko siya umiyak nang umiyak at bumulong.
"B-Buntis ako..."
Maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Parang kailan lang ay nandiyan si Zandra, ang kakambal ko na mahal na mahal ako. Magkakaroon na sana siya ng mga supling ngunit nasira lahat. Nasira pati ang mga pangarap niya nang dahil lang sa isang lalaki. Makaka-survive naman sana siya, eh, kung hindi ko siya iniwan sa silid na 'yon.
Kung nandoon pa rin sana ako sa tabi niya ay magkasama pa rin kami ngayon. Hindi lang ang kambal ko at mga anak niya ang nawala. Pati rin ang isang tao na mahalaga sa akin.
Sa mga sunod na taon na hindi ko siya kasama, puro pasakit ang dinanas ko. Namatay si Papa, nag-asawa si Kuya ng butangera at hanggang ngayon ay nakaasa pa rin sila sa akin.
Nakaasa sila sa bahay ko, nakaasa sila sa suweldo ko na hindi naman gano'n kalaki, na dapat ay mapupunta lang 'yon kay Mama. Tapos palagi pa akong nawawalan ng trabaho. Pero mabilis naman ulit na nakakadiskarte kung paano makahanap ulit. Kailangan, eh, hindi puwedeng tumigil sa paggamot si Mama.
Ang dami kong pinagdaanan to the point na gusto ko na lang sumuko. Maraming masakit, hindi lang sa dibdib. Nagkaroon pa ako ng mga boyfriend na hindi naman nanatili sa akin hanggang sa huli.
Tapos ako 'to, si Krizsella Belinda Moralez, ang babaeng puno ng katangahan at kamalasan.
No'ng nakaraan lang natanggal ako sa trabaho,tsk.
Napapikit ako nang itapon sa mukha ko ng ginang ang isang baso ng iced tea na i-sinerve ko pa lang sa kan'ya.
"Ang tanga!" sigaw nito sa akin. Napatingin sa amin lahat ng costumer.
"Bakit may ipis itong spaghetti niyo?" tanong no'ng lalaki na kaniyang kasama. Nakaramdam naman ako ng inis dahil basa na ako ngayon at nanlalagkit.
"E, bakit niyo ho sa akin tinatanong? Waitress ho ako at hindi chef! Ako ba nagluto niyan, ha? Tapos sa akin niyo itatapon iyang iced tea na iyan?" inis na sabi ko. Alam ko naman na pagsisisihan ko rin 'to mamaya-maya.
Napakunot ang noo ng ginang at akmang susugurin ako pero pinigilan siya ng kasama niya.
"Aba't wala kang respeto!" sabi nito.
Bahala na. Tama nga siguro ang hipag ko, 'wag daw ako magreklamo kung bakit minamalas ako. E, sarili ko lang naman ang gumagawa ng mga problema.
"Baka ikaw," pabalang na sabi ko rito. "Sa tingin mo porke mas matanda ka sa'kin deserve mo na ng respeto? Na ikaw lang dapat ang irespeto. Rerespetuhin ho kita kung nire-respeto niyo rin ho ako, kami rito," sabi ko sa kan'ya. Natahimik naman sila.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...