"Billie Belinda, I'm just telling the truth..." I said to her. Iyak siya ng iyak, paulit-ulit niyang sinasabi na imposibleng ako si Raphael.
Pero katulad ng palagi kong sinasabi. ' WALANG IMPOSIBLE'. Nandito na ako ngayon ㅡ sa harap niya. Humihinga at buhay pa.
Tss
Iisipin niya talaga na imposible, pero ito ang totoo. Buhay ako. NAKALIGTAS AKO. Hindi ba siya nasisiyahan du'n? I sighed. Bakit ba kasi hindi ko nalang sinabi sa kanya nu'ng una palang?
Dahil, dahil... Natakot ako.
She pushed me. "Hindi totoo 'yun! Bobo ka? Bobo ka? Paanong mabubuhay ang patay?!" Sigaw niya sa'kin.
Wala siyang pakialam kahit na may mangilan-ngilan na dumadaan sa kalsada.
I tried to hold her hand but she didn't let me. "Buhay ako. Hindi ako namatay," sabi ko.
"No!" She yelled. "Paano ako maniniwala? Eh magka-ibang magka-iba kayo! Hindi naman kayo magkamukha! Mas guwapo ka!"
Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami. Matutuwa ako sa kanya pero kumplikado na e. "I'll explain." panimula ko. "Iyong Raphael na nakilala mo ㅡ"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "...ay matagal ng patay." nakaramdam na ako ng inis.
"Paano ako makakapagpaliwanag kung nagbi-bida-bida ka diyan? Let me explain. Manahimik ka na muna." sabi ko, ayaw kong sumigaw dahil totopakin 'to.
Sinamaan niya ako ng tingin pero napabuntong hininga nalang siya at saka tumango-tango.
Hindi niya naman kasi puwedeng takasan ang katotohanan.
I am alive.
"Mahal kita Billie, Sesel, Krizsella o ano pa man ang gusto mong itawag ko saiyo. Trust me, nakaligtas ako sa nangyari. May babaeng doctor na dumating at tinulungan ako na i-alis sa hospital. Kahit na..." I sighed. "...kahit na sa itsura ko ay wala na akong pag-asang mabuhay. I got a lot burns and bruises, lalo na sa mata ko, Krizsella."
"Ah so you're saying na kailangan ng eye transplant ganu'n ba?" tanong niya. Napatango-tango ako.
"Yes, that's why I have dark eyes instead of brown eyes." sabi ko.
"Eh bakit magkaibang-magkaiba pa rin kayo ng itsura?" Napahilamos siya ng mukha. "Kaloka ito." Pahabol niya.
"My mom decided to change my face. Like I've said, nasunog ang mga balat ko. Especially, sa mukha ko. Ayaw ko naman maging pangit sa harap mo." Umismid ako, pinipigilan ko na huwag tumulo ang mga luha ko...but, I can't.
"Hindi...kitang-kita ng dalawang mata ko, wala na si Raprap! Isa siya sa mga naging abo!" She hissed.
"Come on, Krizsella! Hindi mo naman nakita ang bangkay ko 'diba?!"
Tinitigan niya na muna ako bago siya nagsalita. "Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng matulog." sabi niya sa'kin.
"Fine, uuwi na tayo." sabi ko sa kanya. Mamaya ko nalang sasabihin sa kanya ang isa pang bagay na dapat niyang malaman.
Pero... "Hindi, kay Mama mo ako i-uwi. Gusto ko du'n. Please." sabi niya. I pulled her closer and gave her a hug.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe kaming dalawa. Actually, kinakabahan ako ng sobra na baka hindi na siya bumalik sa bahay. Alam ko na naguguluhan siya, gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat-lahat.
Hindi lang ang katotohanan na ako si Raphael. Kaya nagsalita na ako, ayaw ko nang maglihim sa kanya. Ayaw ko nang mawala siya akin ㅡ I know that she'd hate me because I lied to her. Ayaw ko naman talagang magsinungaling pero kung hindi ako magsisinungaling. Hindi siya papayag na pakasalan ako, hindi rin siya kaagad-agad maniniwala na ako si Raphael Valderama ㅡ 'yung taong nakilala niya 14 years ago.
'Yung minahal at minamahal siya hanggang ngayon. When my life changed because of that accident ㅡ I lost hope. I tried to love someone, I tried to forget about her ㅡ but...I just...I just can't.
Kahit na isang buwan mahigit lang kaming magkasama noon.
I've been searching to find her for years, at ngayon na nahanap ko na siya ㅡ ayaw ko na siyang pakawalan. Alam ko na mangyayari 'to, magagalit siya sa'kin.
But I'll do everything to be happy with her.
"I think, you also need to hear this." basag ko sa katahimikan. "Ayaw ko nang magsinungaling saiyo." sabi ko sa kanya. Nilingon niya naman ako, I reached for her hand but she pulled it away.
"Sabihin mo na, nanggigil ako." sabi niya. Tumutulo pa rin ang luha niya, ako naman ay napabuntong-hininga nalang.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko na buhay ang isa sa pamangkin niya?
Oo, buhay ang kapatid niya. Kahit ako'y medyo nagulat din nang malaman ko 'yun dahil sabi ni Mommy Cha sa akin ay patay na raw ang kambal ni Nica ㅡ ang kakambal ni Krizselle.
And obviously, si Sarah 'yun ㅡ hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang ipinangalan sa kanya nila Zandra kaya si Mommy Cha ang nagpangalan sa kanya, ako na ang nagpangalan sa second name niya.
Sarah Belinda. Hindi naman talaga Krizselle ang pagkakakilala ko kay Sesel. Kung hindi ay Belinda Moralez lang. Hindi niya sa'kin sinabi ang first name niya. Hindi rin naman ako naging matanong.
That time, I'm always satistied basta nandiyan lang siya sa tabi ko, palagi kaming magkasama, palagi ko siyang nakikita.
Marami pang nangyari na dapat niyang malaman. Hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya sa loob ng tatlong buwan na pagsasama namin ni Sesel. Gusto ko na muna kasi na makasama siya kahit na ilang buwan lang. Okay lang kung ibang tao, at hindi si Raprap niya ang tingin sa'kin. As long as she's with me. I'm okay.
"Si Sarah..." panimula ko.
"Si Sarah, bakit pareho kami ng second name? Sino ba siya? In-adopt din ba siya ni Tita Cha?" napapunas siya ng luha niya.
I sighed. "Y-Yes..." sagot ko. "Pero, ang totoo niyan, she's Cronica's child. I'm sorry, I'm so sorry." Pati ako ay naluha na rin.
Naka-focus ako sa daan kaya hindi ko pa nakikita ang reaksyon niya at ayaw ko na munang makita. "W-What d-did you say?" bakas sa boses niya ang gulat. Hindi ako nakasagot kaya hinampas niya ako ng malakas sa braso. "PUTANGINA! ANONG SINABI MO?!" Hindi pa rin ako nakasagot sa kanya, napapalunok nalang ako habang nagpapatuloy sa pagmamaneho.
"Hoy Zale!" She yelped. Wala sa sariling na-apakan ko ang break ng sasakyan. I faced her ㅡ nanlalaki ang mga mata niya habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha. Nakatingin siya ng diretso sa akin.
"Kriszelle, I'm so sorry..." Sinubukan ko na naman siyang hawakan pero nilalayo niya ang sarili niya sa akin.
Ang sakit isipin na nasasaktan ko siya. "Totoo ba?!" She asked. Napatango-tango nalang ako sa kanya. "P-Paano?! At kung oo nga bakit...bakit hindi ko kaagad nalaman 'to?! Alam mo, naguguluhan na talaga ako! Puwede bang i-uwi mo na muna ako sa amin talaga? Napuputangina ako e!" sabi niya.
"I'm sorry..." napayuko ako.
"Lalo na sa iyo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/242973758-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...