Napapikit ako ng itapon sa mukha ko ng ginang ang isang baso ng iced tea na isinerve ko palang sa kanya. "Ang tanga!" sigaw nito sa akin. Napatingin sa amin lahat ng costumer.
"Bakit may ipis itong spaghetti niyo?" Tanong nu'ng lalaki na kasama niya. Nakaramdam naman ako ng inis dahil basa na ako ngayon at nanlalagkit.
"Eh bakit niyo ho sa akin tinatanong? Waitress ho ako at hindi chef! Ako ba nagluto niyan ha? Tapos sa akin niyo itatapon iyang iced tea na iyan?" Inis na sabi ko rito. Napakunot ang noo ng ginang at akmang susugurin ako pero pinigilan siya ng kasama niya.
"Aba't wala kang respeto!" Sabi nito.
Bahala na.
"Baka ikaw." Pabalang na sabi ko rito. "Sa tingin mo porke mas matanda ka sa'kin deserve mo na ng respeto? Na ikaw lang dapat ang irespeto. Rerespetuhin ho kita kung nirerespeto niyo rin ho ako, kami rito." Sabi ko sa kanya. Natahimik naman sila.
Hindi kasi marunong magtanong. Tapos ako pa itong nabasa. Hindi naman ako ang nagluto nu'n e. "Manong nagtanong ka ho 'diba?" Dugtong ko sa kanya. "Hindi iyong nananapon ka ng iced tea." Sabi ko sa kanya.
"Sesel!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng manager. Naku, mukhang tanggal na naman ako sa trabaho ko ha.
Pinagalitan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Dapat nagpakumbaba ako, pero nakakapikon na e. Sasabihin na naman costumer is always right. Bahala sila, kapag natanggal ako rito hindi na ulit ako magta-trabaho sa mga restaurant.
"Ikaw ba ang manager? Bakit ang bastos ng waitress niyo?" Ako pa ang bastos tangina.
Matalim ang mga titig sa'kin ng manager namin. "Pasensiya na ho." sabi ko habang nakatingin sa manager at hindi sa ginang. I mean it, hindi ako hihingi ng tawad sa buwiset na ito. Matapos niya akong tapunan ng iced tea. Malamig kaya tapos malagkit sa balat ko.
"You're fired." Sabi nito. Pinilit ko nalang na ngumiti.
Kainis, sinasabi ko na nga ba. Hindi man lang ako nagtagal sa mga trabaho ko. Ang unfair talaga ng mundo kahit kailan.
Inayos ko lang ang mga gamit ko at umalis na sa restaurant na iyon. Nagpasya ako na pumunta na muna ng park, stress na stress na ako.
Wala na akong trabaho.
Paano na iyong mga gamot ni mama? Ang tanga-tanga ko talaga, dapat hindi ko nalang sinagot 'yung ginang.
Trenta na ako pero hindi pa rin ako natuto na i-maintain ang temper ko. Mabilis pa rin na nag-iinit ang ulo ko. Dahil na rin talaga sa pagod at stress na dala ng paligid.
Tapos ang sama-sama ng utak ko dahil naiisip ko na naman iyong mga panloloko ni Julius sa akin. Sabi niya papakasalan niya ako, pero ano na? Sabi niya mahal niya ako at hindi iiwan pero iniwan niya pa rin ako.
Napansin ko na naluha ako. Kaya tumawa ako na parang tanga habang pinupunasan ang mga luha ko. I hold my tears. How many times do I need to tell myself that I shouldn't cry because of him, he doesn't deserves my tears.
"Kuya, bili lang ako popcorn ha!" Nasa may bench ako at pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro ng may dalawang tao na pumunta malapit sa'kin. Pero hindi ko naman sila nilingon.
"Okay, I'll wait you here." Sabi nu'ng lalaki tapos umalis iyong kasama niya na babae. Alam ko na lalaki siya at babae 'yung umalis dahil nakita ko sa peripheral vision ko kanina tapos nang makaalis ang babae ay napalingon na ako. Napatitig lang ako sa kanya, ang guwapo naman ng lalaking ito. Mukhang mayaman pa dahil nakasuot ito ng suit.Baka mataas ang posisyon nito sa opisina. Pero ano namang ginagawa niya sa park na ito? 'Diba dapat brood ang mga katulad niya?
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...