"Bakit mo ginawa 'yun?" Iyak ng iyak si Zandra habang tinutulungan ako na gamutin ang sugat ko. "Pati si Mama nagagalit saiyo." sabi niya pa sa akin.
Naglagay siya ng betadine sa bulak at saka inilagay iyon sa mga sugat ko sa pisngi. Grabe 'yung inabot ko kay Papa kanina. Madaling araw na at hindi pa rin ako nakakatulog, dahil una sa lahat ramdam ko pa rin iyong sakit, pati kasi 'yung kuko niya halos bumaon na rin sa balat ko sa mukha, pati rin sa braso at binti ko.
Galit na galit sila sa akin. Pati si Kuya, narinig din 'yung mga lumabas sa bibig ko. "Aalis na ako..." Sabi ko sa kanya.
Pinapalayas naman na talaga ako ni Papa. Ayaw niya na raw makita ang pagmumukha ko pag-gising niya bukas. "Sasama ako." sabi niya sa akin.
Napatitig lang ako sa kanya. "Kailangan mong mag-stay dito. Buntis ka. Kailangan mong dumito." Sabi ko sa kanya. Umiling-iling naman siya.
"Magkakambal tayo, walang iwanan. Zandra and Krizsella forever." sabi niya sa'kin. Napangiti nalang din ako. Sa murang edad namin, kailangan na namin maging independent.
🥀🥀🥀
"Oh, rule number one."
Sabi ko sa kanya. Napakibit-balikat naman siya. "Just kidding." Binato niya ako ng unan at saka humiga siya sa kama. Kakatapos niya lang maligo, nauna ako. He's wearing a white sando and a boxer. Gusto kong mahiya pero kailangan kong maging comfortable. Isang taon kaming magkakasama.
"Raulo." bulong ko, hindi naman malakas 'yung bato niya e. Siraulo kasi, inaakit ako ng putangina. My gosh, basta lagi ko lang aalalahanin 'yung rule number one na walang hanky-panky.
"Krizsella, I know your past." Biglang sabi niya sa'kin. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Kagagaling lang namin sa simbahan. And yes, sobrang biglaan talaga. Mag-asawa na kaming dalawa, may asawa na ako at kasal na ako but hanggang isang taon lang 'to. Kapag walang nakatingin. Hindi puwedeng masyado akong ma-attach sa putangina na ito.
Okay fine. I know na may possibilities talaga na ma-in love ako, hindi ko nga talaga alam kung bakit ako pumayag, but I think it really meant to happen, siguro puwede ko namang ma-prevent na 'wag ma-in love, kahit na sinabi niya na puwede akong ma-inlove.
Pero putangina. Depende kasi 'yun sa sitwasyon at sa mga mangyayari pa. "Share mo lang?" I asked, sarcastically. Inismiran ko pa siya.
"Tss." He snorted. Kung alam niya 'yung past ko. He also knew my past with Julius. Simula kanina, alam ko na napapansin niya ang kakaibang titig sa akin ni Julius. Hindi ako nag-a-assume dahil kakaiba talaga ang titig niya sa akin hanggang sa matapos ang wedding ceremony. So I think, alam niya talaga na ex ako ni Julius. Wait matanong nga.
Naguguluhan ako e. Hindi kaya matagal niya ng alam pero bakit ako ang napili niyang pakasalan kung alam niya na may past kami ni Julius?
Tska bakit ba nandito si Julius? Nakakagulat talaga siya, akala ko nasa States siya. Iyong kaba ko, sobra-sobra. Pero kailangan kong i-handle. Napakaliit nga talaga ng mundo.
"Zale, wait..." sabi ko. Nag-iisa lang ang kama rito sa condo unit niya. King sized naman ito kaya alam ko na magkakasya naman kami. Hindi naman ako mataba 'no.
"Yes?" He asked. Tumingin lang ako sa kanya, umupo pa ako sa gilid ng kama.
"Alam mo ba na kami ni Julius, before?" I seriously asked. Nag-iwas naman siya ng tingin pagkatapos ay kinuha niya lang 'yung remote ng TV sa may bedside table. May malaking flat screen TV sa harap ng kama niya at binuksan niya 'yun.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...