Chapter Twelve

89 17 0
                                    

Napatingin ako kay Zale nang magsalita siya. "Bakit ganu'n ang hipag mo saiyo? Parang responsibilidad mo ang sarili niyang pamilya."

I sighed. Nagda-drive na siya papunta sa bago naming bahay. Kahit anong convince ang gawin ko kay Mama ay hindi ko nagawa. Pinagtutulakan niya pa ako na umalis. I even told her na hindi ako aalis sa bahay nang hindi siya kasama pero ginamit niya 'yung pagiging nanay niya. Dapat daw na sumunod ako sa kanya. Pinapaalis niya na nga kami kaagad e.

Humingi rin siya ng tawad kay Zale kasi dabog ng dabog si Ate Jena, may binubulong-bulong din. "Hayaan mo na 'yun. Ganu'n talaga siya simula noong masunugan sila ng bahay." sabi ko sa kanya. Nalungkot naman ako nang maalala ko 'yun.

Nangyari 'yun last year. Isang buwan bago ako saktan ni Julius. 'Yung tipong kung kailan kailangan na kailangan mo ang isang tao ay wala siya sa tabi mo? Ang sakit isipin na naman. Pinigilan ko lang maluha.

Nakita ko sa rear view mirror na napakunot ang noo niya. "Sunog?" He asked. Napatango-tango ako.

"Oo, nasunugan sila dahil sa katangahan ko. Lahat ng na-ipundar nilang mag-asawa nawala dahil sa'kin. Hindi ko naman sinasadya na maiwanang bukas 'yung tangke ng gas sa kusina." sabi ko sa kanya. Medyo nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Kaya ngayon, sa bahay namin nila Mama sila nakatira." dugtong ko pa.

"Bigyan ko sila ng bahay, gusto mo?" Tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong sumagot. "Hay naku, 'wag. Hindi mo responsibilidad ang pamilya ko. 'Wag ka mag-alala ako naman na ang bahala roon." sabi ko sa kanya.

"But I'm still your husband." Here we go again.

"Zale naman,"

"Akala ko ba may endearment na tayo? We already talked about that, right?" He smirked. Marahan ko naman siyang nahampas sa braso niya. "Dapat masanay ka na."

"Gago ka."

"'Diba, ling?" Parang bumaliktad naman ang tenga ko matapos kong marinig iyon. Medyo may pang-aasar sa boses at ismid niya.

Sinakayan ko nalang 'din ang trip niya. "Yes, ling." Umismid nalang din ako at tumingin ako sa labas ng kotse. "Magtatagal pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Pero parang namali ako ng tanong.

"Of course." sagot niya.

I winced. "No, I mean, matagal pa ba 'yung biyahe natin? Malayo ba 'yung bahay sa family house niyo?" I asked him. Umiling siya.

"Actually, sa kabilang village lang 'yun." Sabi niya. "Nga pala, if my mom asks you kung kailan tayo lumipat doon sabihin mo matagal na, dalawang buwan bago tayo magpakasal." Sabi niya. Tumango nalang ako sa kanya.

"So malapit na ba tayo?" I asked again. Tumango-tango siya.

"Yeah..."

And then after two minutes ay ipinark niya na ang sasakyan niya. Nakarating na rin kami.

Medyo may kalakihan iyong bahay. Meron itong dalawang storey, na okay lang din kung kaming dalawa lang ang titira. "Let's go, ling." Natawa ako sa kanya.

Talagang 'ling'. "Do you even know the meaning of that?" I asked. Somehow, I found it cute. Cute naman talaga 'yun, pumasok lang siya sa utak ko nu'ng nagtanong siya ng endearment.

Napataas naman siya ng kilay. "About 'ling'? Yes, I know. Bigla kong naalala 'yung mga adoptive parents ko, minsan nang tinawag ni Pops si Mama ng 'LING', and when I asked him kung ano ang meaning, sinabi niya na DARLING, am I right, darLING?"

Napanganga naman ako... Hindi lang siya ang may naalala. Pati rin ako pero ipinagsawalang-bahala ko nalang 'yun. Imposible kasi. "Oo na, oo na, tama ka, ling." sabi ko sa kanya. Nginisihan niya lang ako tapos nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon